363 total views
Walang epekto ang pagpapalit ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga isinusulong na legislative agenda ng Malacanang.
Ito ang pahayag ni CBCP-Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Rev. Fr. Jerome Secillano sa pagdaraos ng ilang mambabatas ng espesyal na sesyon sa labas ng Batasang Pambansa upang magluklok ng bagong Speaker of the House.
Ayon sa Pari, dahil sa parehong kaalyado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nag-aagawan sa posisyon na sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Taguig 1st District Rep. Alan Peter Cayetano ay walang magiging epekto sa mga isinusulong na legislative agenda ng administrasyong Duterte kung sinuman ang maupong House Speaker.
“As I see it, the change in leadership wouldn’t have much impact in the legislative agenda being pushed by Malacanang. Both Velasco and Cayetano are allies of the President anyway. Their loyalty is to the President. On that note, I believe nothing will change much.” pahayag ni Fr.Secillano sa panayam sa Radio Veritas.
Sinabi ng Pari na maapektuhan ng pagbabago ng liderato ang alokasyon ng pondo at ang mga posisyon ng mga magbabatas sa kamara.
“It is in the allocation of funds that this change in leadership will have more impact. Supporters of Velasco will surely get the lion’s share of the budget. And of course, they will also get the juicy positions in the House.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.
Binigyang diin naman ng Pari na dapat maging mapagbantay ang mamamayan anuman ang mangyari sa usapin ng house speakership sa Kongreso
Iginiit ni Fr. Secillano, dapat na matiyak ng mamamayan na ang kapakanan ng taumbayan ang prayoridad ng mga halal na opisyal ng bayan lalo na at papa lapit na ang halalan kung saan muling mabibigyan ng pagkakataon ang mga Filipino na pumili ng mga karapat dapat na opisyal na mamuno sa bansa.
“But what the public should pay attention to is the performance of their representatives. Are they committed to serve you? Do they support legislations that will benefit you? Are they spending the funds judiciously and conscientiously to benefit you? These are just some of the considerations that the public should bear in mind specially now that the election is less than two years away from happening.” ayon pa kay Fr. Secillano.
Ngayong araw magsidimula ang special session ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipinatawag ng Pangulong Duterte upang ipasa ang 2021 General Appropriations Act na nantala dahil sa agawan sa puesto ni Cayetano at Velasco.
Nauna ng binigyan diin ng Kanyang Kabanalan Francisco “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa…” kung saan ang pagtutuk sa common good o ang mas makabubuti para sa lahat sa dapat na mas inuuna at binibigyang halaga ng mga opisyal ng bayan.