397 total views
Patuloy na pagbabago ng puso at ng lipunan ang tunay na kahulugan ng paggunita ng Edsa People Power revolution kada taon.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, ang tunay na kahulugan ng “edsa revolution” ay tuloy-tuloy na pagbabago ng tao lalo na ang mga pulitiko o lider ng bansa.
Nilinaw ni Bishop Cabantan na mahalagang gunitain ang “bloodless revolution” upang hindi na bumalik ang masasamang ugali at pagiging sakim sa kapangyarihan na nilabanan ng taumbayan noong 1986.
Iginiit ng Obispo na magpapatuloy ang kawalang katarungan, pang-aapi, kasakiman at pagkaganid sa kapangyarihan kung hindi tunay na isasabuhay ang kahulugan at adhikain ng 1986 Edsa People Power revolution.
“Para sa akin, its people power and we call it also edsa revolution. But for me, it’s a revolution from the heart that means the revolution, the transformation is keep on going, it does not stop with Feb. 25, 1986 event but it should be an ongoing conversion for all of us, people and our political leaders. Otherwise balik tayo uli sa nilalabanang values during that time injustices, greed, selfishness. So for me, to really celebrate Edsa is to continue the transformation and the revolution from our hearts and transformation of our society”.paliwanag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas
Nabatid na noong panahon ng “martial law”, 5 hanggang 10-bilyong dolyar ang sinasabing nakuhang yaman ng pamilya Marcos sa pamahalaan na naitala sa Guinness Book of World Record na “the biggest robbery”.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman noong 1988 na 100 milyong piso kada araw ang nawawala sa pera na bayan dahil sa laganap na korupsiyon pero sa taong 2000… 609-billion pesos o 30-porsiyento ng pambansang budget o national budget ang napupunta sa bulsa ng mga namumuno sa Pilipinas.