203 total views
Mariing kinondena ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo ang pagpapasabog sa harapan ng simbahan ng Esperanza Parish church sa Sultan Kudarat, Cotabato na ikinasugat ng limang sibilyan.
Itinuturing ni Cardinal Quevedo na “pure act of terrorism” ang pagpapasabog sa harapan ng simbahan na isang sagradong lugar at panalanginan ng mamamayan.
Dagdag pa ng Kardinal, nakakadismaya din na hindi na nila iginalang ang selebrasyon ng advent mass ng parokya.
“The IED bombing in front of the gate of Esperanza parish church at the end of our 5:30am 1st Sunday of Advent Mass is pure terrorism. Made worse because of the sacredness of the place, the sacredness of the day, and the sacredness of the event that had just taken place.” pahayag ni Cardinal Quevedo
Tinawang ni Cardinal Quevedo ang pagbobomba na pag-atake sa buhay ng mga inosenteng sibilyan na nasugatan dahil sa pagpapasabog.
Itinuturing din ni Cardinal Quevedo ang pag-atake na pagsupil sa kalayaan sa relihiyon at kalayaan ng pagsamba at pananalangin ng mga Katoliko sa parokya.
“As the leader of the archdiocese of cotabato i voice my strong condemnation against this irrational act of terrorism. It is an attack on innocent human lives. It is also an attack on freedom of religion, on freedom to worship.”mensahe ng Kardinal
Kasabay nito ang apela ng Kardinal sa mga otoridad na papanagutin sa batas ang may kagagawan ng pagpapasabog.
“I appeal to our security n police forces to ferret out those responsible n bring them to justice. Let us all be vigilant against acts of terrorism. May the Lord of mercy n compassion provide us constant protection.”bahagi ng statement ni Cardinal Quevedo
Kasalukuyang ginagamot sa pagamutan ang limang mga nasugatan sa pagpapasabog na dumalo sa banal na misa.
Mula sa datus pamahalaan sa loob ng 12-taon, 300-katao na ang nasawi sa mga pagsabog sa Mindanao.