332 total views
May 7, 2020-11:07am
Inihayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos na mahalaga ang gawain ng media sa pagpapalaganap ng mga impormasyon lalo na sa panahon ng krisis.
Ayon sa obispo mahalaga ang sector ng komunikasyon upang labanan ang mga maling impormasyong ipinakakalat lalu sa social media gamit ang mga hindi mapagkakatiwalaang pagkukunan ng impormasyon.
“Mass media is valuable source of information to our people, especially now with this COVID 19. It is very much needed, especially also now with proliferation of fake news, unreliable stories,” pahayag ni Bishop Santos.
Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa pansamantalang pagsara ng ABS-CBN bunsod ng pagkapaso ng prangkisa nito noong ika-4 ng Mayo.
Suportado ni Bishop Santos ang renewal ng prangkisa ng Kapamilya network sapagkat malaki ang naiambag nito sa lipunan sa larangan ng pagbabalita at paghahatid ng aliw sa mamamayan partikular ang mahigit sampung milyong OFW sa ibat ibang panig ng mundo.
“ABS-CBN has been very effective and efficient sources of information, dedicated and devoted for reliable and truthful news, stories and shows. Our OFWs are best informed, responsibly connected to their loved ones back homes,” giit ng obispo.
Dagdag pa ng Obispo, hindi napapanahon ang pagpapatigil sa operasyon ng network lalo’t nasa gitna ng krisis dahil maaring magdulot ng kawalan ng trabaho sa mahigit 11 libong manggagawa ng ABS-CBN.
Ikalima ng Mayo nang tuluyang mag sign off ang istasyon ganap na alas 7:52 ng gabi makaraang magpalabas ng Cease and Desist Order ang National Telecommunication Commission.
“It is untimely and disservice at this time of pandemic the cease and desist order given to ABS-CBN,” ayon pa sa obispo.
Binalaan ni Solicitor General Jose Calida ang mga kawani ng NTC na maaring maharap sa kasong paglabag sa anti-graft and corruption laws kung patuloy na mag-broadcast ang istasyon.
Sinabi ni Bishop Santos na sa panahong ito ng krisis dapat pairalin ang habag, awa at pag-uunawa bilang pakikiisa sa mga mamamayan partikular sa mga dukha na nagdurusa sa epekto ng COVID 19 pandemic.
“There are many things we have closed down, but we should not close our hearts for charity; our minds on reason and our hands on healing,” dagdag ni Bishop Santos.