578 total views
Mahalaga ang panalangin at pagbabahaginan sa sa kapwa upang mas umigting ang diwa ng pagmamahalan ng bawat isa. Ito ang binigyang diin ng Santo Papa Francisco sa mensahe ngayong kuwaresma kung saan hinimok ang mananampalatataya na pasiglahin buhayin ang pananampalataya, pagbibigay pag-asa at patuloy na ipamalas ang pag-ibig sa kapwa.
“The call to experience Lent as a journey of conversion, prayer and sharing of our goods, helps us–as communities and as individuals–to revive the faith that comes from the living Christ, the hope inspired by the breath of the Holy Spirit and the love flowing from the merciful heart of the Father,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Pinaalalahanan ng pinunong pastol ng simbahang katolika ang mananampalataya sa naging karanasan ni Hesus na buong kababaang loob na tinanggap at niyakap ang kamatayan dahil sa dakilang pag-ibig sa sanlibutan.
Dagdag pa ni Pope Francis na isa sa mabisang paraan upang maisabuhay ang pananampalataya ay ang pagtanggap at pagpapalaganap ng katotohanan sa pamayanan lalo’t higit sa bagong henerasyon sa pamamagitan ng mga Salita ng Diyos.
“In this Lenten season, accepting and living the truth revealed in Christ means, first of all, opening our hearts to God’s word, which the Church passes on from generation to generation.
This truth is not an abstract concept reserved for a chosen intelligent few. Instead, it is a message that all of us can receive and understand thanks to the wisdom of a heart open to the grandeur of God, who loves us even before we are aware of it. Christ himself is this truth.”
Hamon pa ni Pope Francis sa lahat ang patuloy na paglingap sa kapwa lalo’t higit ang mga nahihirapan dulot ng karamdaman at pangambang hatid ng coronavirus pandemic.
Umaasa ang Santo Papa na bibigyang halaga ng lipunan ang pagkakawanggawa bilang pagsasabuhay sa pag-ibig ng Diyos sa tao.
“To experience Lent with love means caring for those who suffer or feel abandoned and fearful because of the Covid-19 pandemic. In our charity, may we speak words of reassurance and help others to realize that God loves them as sons and daughters.”