16,232 total views
Sinuportahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Stella Maris Philippines na pagtibayin ang mga polisiya at nilalaman ng Geneva Convention 188 (Bill C188) para sa mga mangingisda.
Ayon ka Stella Maris Philippines CBCP Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos, makabubuti para sa mga mangingisda at mandaragat ang ratipikasyon ng Bill C188 na magbibigay ng karagdagang proteksyon sa kanilang kabuhayan.
“This bill is not only consistent with the domestic laws covering Fishers but also the country’s commitment to the international community to reduce trafficking in persons, forced labor, and labor exploitation in the fisheries sector,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.
Tiwala din ang Obispo na mabibigyan nito ng higit na pagpapahalaga ang kabuhayan ng mga mangingisda dahil mailalayo sila ng batas laban sa mga pagmamalabis, pang-aabuso at pagtiyak sa kanilang kaligtasan.
“Bill C188 is an international labor standard established by the ILO, sets ethics and recommendations to ensure decent working conditions for those of us engaged in the fishing industry worldwide,’ ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.
Ang Bill C188 ang nabuo ng ILO noong 2007 sa idinaos na Geneva Conventions kung saan nakapaloob dito ang mga karagdagang proteksyon para sa mga mangingisda o nangingisda para sa malalaking kompanya.
Layunin nitong maiwaksi ang pang-aabuso, pagmamamalabis at pagkakaroon ng ligtas na lugar sa paggawa para sa mga mangingisda.