3,275 total views
Tiniyak ng Department of Migrants Workers (DMW) ang pagsusulong ng mga programa at inisyatibo ng pamahalaan upang matulungan ang mga Filipino Seafarers na makapagtrabaho.
Ito ang mensahe ni DMW undersecretary Hans Cacdac sa pahayag ng European Union na nananatiling wasto at kinikilala ng samahan at iba pang mga European Maritime Companies at Industry ang mga dokumentong nakapag-tapos at sapat ang training ng mga Filipino Seafarer.
“On the welfare side, Undersecretary Hans Cacdac of DMW has been instructed to put together a partnership with OWWA which is our attached agency a welfare program directed at Filipino Seafarers that will include intensified financial literacy program so that they would also know how best to invest their money,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay DMW Secretary Susan Ople.
Ayon sa kalihim, katuwang ang Commission on Higher Education (CHED) at iba pang sangay ng pamahalaan na nakatuon sa edukasyon at pagbibigay kasanayan sa mga seafarers.
Kasabay ito ng gaganaping international workshops sa June 25 at 26, 2023, na ibabahagi ang natatanging mga kakakayahan ng mga Filipino Seafarers.
Batay sa talaan ng pamahalaan noong December 2022, ay 400-libo ang mga Filipino seafarers sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Patuloy din ang pananalangin ng Stella Maris Philippines kasama ang pag-aalay ng mga misa ng Diocese of Balanga sa Bataan para sa ikabubuti at kaligtasan ng mga Filipino Seafarers sa kanilang mga trabaho.