3,552 total views
Pakikiisa sa malakas na pananampalataya ng mga Katolikong Pilipino ang hatid ng bagong Kapilya sa SM Grand Central sa Caloocan City.
Ito ang paniniwala ng SM Prime Holdings at SM Group matapos buksan sa mga mananampalataya ang Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel sa nasabing bagong establisyemento noong Disyembre ng taong 2021.
Magugunitang pinangunahan ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagdiriwang ng banal na misa sa pagbubukas ng Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel na matatagpuan sa ika-limang palapag ng SM Grand Central Mall.
Dumalo sa pagpapasinaya ng bagong kapilya ang ilang miyembro ng pamilya Sy sa pangunguna ni SM Prime holdings Executive Committee Chairman Hans Sy Sr. kasama sina Ms. Carol Sy, at SM Engineering Design and Development President Hans “Chico” Sy Jr.
Ang kapilya na may lawak na 1,025 metro kwadrado at may kakayanang tumanggap ng hanggang sa 1,000 mananampalataya.
ipinagdiriwang dito ang banal na misa tuwing ika-12:15 ng tanghali at anticipated mass tuwing alas singko ng hapon kada araw, habang alas sais naman ng gabi tuwing araw ng linggo.
Personal na pinili ng matriarch ng pamilya Sy na si Mrs. Teresita Sy ang Our Lady of the Most Holy Rosary bilang titulo ng nasabing kapilya.
Magugunitang si Mrs. Sy ay isang Marian Devotee at taga suporta ng Simbahang katolika na naging dahilan kaya’t ilan sa kanilang mga establisyemento ang mayroong din mga kapilya tulad ng Chapel of the Eucaristic Lord sa SM Megamall, Shrine of Jesus, the way, the truth and the life sa SM Mall of Asia Complex at Chapel of San Pedro Calungsod sa SM Aura sa Taguig at SM Seaside sa Cebu.
Ang nasabing bagong Kapilya ay pinangangasiwaan ni Rev. Fr. Paul Nicklaus Woo sa patnubay ng Diyosesis ng Kalookan.