42 total views
Nagalak ang Federation of Free Workers sa pagpapasa sa kongreso ng House Bill 10985 o ang Senior Citizens Employment Bill.
Ayon kay Atty Sonny Matula, napapanahon ang pagsasabatas ng panukala dahil narin bukod sa nararanasan ng senior citizen workers ang diskriminasyon sa trabaho .
Kapag ganap na batas ay bibigyan nito ng pagkakataon na magkaroon o manatili sa trabaho ang maraming senior citizens.
“This would be a landmark legislation if passed into law that addresses the need for inclusivity, dignity, and equal opportunities for the elderly in the workforce, while incentivizing private companies to hire senior workers,
Under the proposed law, senior citizens may take on roles such as clerical or secretarial work, consultancy, janitorial services, event organizing, teaching, kitchen help, sales assistance, BPO jobs, and other employment or volunteer opportunities,” ayon sa mensahe ni Matula na ipinadala sa Radio Veritas.
Tiyak rin ang FFW na magbebenipisyo ang mga kompanya dahil aabot sa hanggang 25% ang karagdang tax deductions ang maaring makaltas sa buwis ng mga kompanyang tumatanggap ng senior citizens bilang mga manggagawa.
Gayunpaman, apela ni Matula ang kagyat na pagbibigay ng atensyon laban sa diskriminasyon sa mga Senior Citizen Workers.
Tinukoy ni Matula kung saan ipinaglaban ng FFW ang dalawang senior citizen na tinanggal sa kanilang trabaho bilang call center agents dahil sa edad.
“While commending the approval of House Bill 10985, the FFW reiterates its proposal to include penalties for discrimination, non-compliance, or unjust termination of senior workers due to old age in the bill. Discrimination of any form is a violation of labor rights and undermines the principles of inclusivity and equality in the workplace,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Matula.
Sa datos ng FFW, sa 113-milyon na populasyon ng Pilipinas, 13-milyon ang mga Senior Citizens.
2019 ng iparating ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa buong mundo ang kahalagahan ng mga katuruan o kasanayaan na maaring ibahagi ng mga matatanda sa lugar ng paggawa.