1,486 total views
Mariing kinundina ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagkakapaslang ng Navotas City Police sa 17-taong gulang na binatilyo sa isang insidente ng ‘mistaken identity’.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, binigyang diin ng Obispo na hindi katanggap-tanggap ang sinapit na karahasan ng binatilyong si Jemboy Tolentino Baltazar sa kamay ng mga otoridad na naganap sa lungsod noong ikalawa ng Agosto, 2023.
Bilang pagkundina sa panibagong kaso ng karahasan sa Navotas City, nanawagan si Bishop David sa lahat ng mga parokya, misyon station at Basic Ecclesial Community (BEC) sa lungsod na magpahayag ng pakikiisa at pakikidalamhati sa naiwang pamilya ng binatilyong biktima, kasabay ng pananawagan sa Navotas Police ng pagbibigay halaga sa buhay ng bawat nilalang.
“As bishop of Kalookan, whose jurisdiction includes Navotas city, I denounce this murder in the strongest terms possible. I call on our parishes, mission stations, and BECs in Navotas city to express their solidarity with the bereaved family and band together to express a strong message to the Navotas Police: “Jemboy’s life matters.”ang bahagi ng pahayag ni Bishop David.
Ayon sa Obispo, ang pagiging marahas ng mga pulis sa pagsasagawa ng operasyon ay maituturing na patuloy na epekto ng marahas na implementasyon ng war on drugs noong nakalipas na administrasyong Duterte.
Ipinaliwanag ni Bishop David na sinasalamin ng mga patuloy na karahasang ito ang culture of impunity na lumaganap noong nakalipas na administrasyon.
Iginiit ng Obispo na ang pagkitil sa buhay ng sinuman maging ng mga hinihinalang sangkot sa droga o anumang krimen ay mananatiling ilegal, imoral at isang malinaw na paglabag sa batas ng tao at batas ng Diyos.
“This is an obvious remnant of the kind of impunity that characterized the behavior of our police during those dark years of the infamous “war against illegal drugs” waged by the previous regime. Is it correct to fight criminality using criminal means? Deliberately killing people in cold blood—even if they might be suspected of engaging in drugs or criminal activities—is already plain murder, not just homicide. It is not just immoral; it is plainly illegal. How much more with the case of Jemboy?” Dagdag pa ni Bishop David.
Ayon sa Navotas City Police naganap ang insidente ng ‘mistaken identity’ sa binatilyong si Jemboy sa isinagawang follow-up operasyon ng mga otoridad matapos makatanggap ng impormasyon na nagtatago sa isang bangka sa lugar ang isang suspect sa pamamaril sa barangay.