Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpaslang sa isa na namang anti-mining advocate, kinundena ng ATM

SHARE THE TRUTH

 736 total views

Mariing kinokondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang pagpaslang kay Alberto Cuartero, isang anti-mining advocate at kapitan ng Barangay Puyat, Carmen, Surigao del Sur.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, hindi makatarungan ang sinapit ni Cuartero gayong nais lamang nitong ipagtanggol ang karapatan ng kinasasakupan mula sa epekto ng mapaminsalang pagmimina.

“We are enraged that another environmental and human rights defender has been felled and now joins the ranks of hundreds of activists killed in the country,” ayon kay Garganera.

Si Cuartero, kasama ang isa pang biktima na si Ronde Arpilleda Asis, ay binaril noong September 22 ng hindi pa nakikilalang salarin.

Kabilang si Cuartero sa mga saksing tumestigo sa korte at nagbunyag ng pekeng exploration permit ng Tribu Manobo Mining Corporation (TMMC).

Kamakailan lamang ay iniulat ng international watchdog na Global Witness na nananatiling pinakamapanganib na bansa sa Asya ang Pilipinas para sa mga environmental activist.

Mula 2012 hanggang 2023, ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng mga pinaslang na tagapagtanggol ng kalikasan sa rehiyon.

Panawagan naman ng ATM sa pamahalaan ang puspusang imbestigasyon sa pagpaslang sa mga biktima at papanagutin ang mga salarin.

“We demand that police officials undertake all efforts to resolve this brutal killing. We further call on the Department of Local Government (DILG) and the Commission on Human Rights (CHR) to investigate the matter,” ayon kay Garganera.

Una nang nabanggit sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco ang panawagan sa mamamayan at mga may katungkulan sa pamahalaan na ipagtanggol at pigilan ang walang kabuluhang pakikitungo sa mga environmental defender at mga katutubo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iligtas ang mga bata

 11,031 total views

 11,031 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 20,319 total views

 20,319 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »

Serbisyo, hindi utang na loob

 7,924 total views

 7,924 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »

Tao ang sentro ng trabaho

 46,913 total views

 46,913 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 51,046 total views

 51,046 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanindigan laban sa Kaliwa dam

 135 total views

 135 total views Muling pinagtibay ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paninindigan para sa pangangalaga sa mga likas na yaman at karapatan ng mga katutubong pamayanan. Ito ang binigyang-diin ng Caritas Philippines sa paggunita ngayong araw sa Save Sierra Madre Day. Ayon sa institusyon, ang Sierra Madre, bukod sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Earth Hour, isasagawa ng Archdiocese of Davao

 775 total views

 775 total views Isasagawa ng social arm ng Archdiocese of Davao ang sabayang pagpapatay ng mga ilaw at kagamitang de-kuryente bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation ngayong taon. Hinihikayat ng Davao Archdiocesan Social Action Center ang mga mananampalataya para sa Earth Hour sa September 28, mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi bilang paraan ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapahinto sa PAREX project, panawagan ng Diocese of Pasig

 2,009 total views

 2,009 total views Hinimok ng Diocese of Pasig Ministry on Ecology ang mamamayan na makiisa sa panawagan sa pangangalaga at pagpapanumbalik sa mga ilog para sa kapakanan ng susunod na mga henerasyon. Ayon kay Ecology ministry director, Fr. Melvin Ordanez, ang mga ilog ay nagbibigay-buhay, hindi lamang sa mga nilalang na umaasa rito, kundi maging sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Huwag mag-astang amo ng taumbayan, babala ng Obispo

 2,372 total views

 2,372 total views Nanawagan si 1987 Constitutional framer, Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan para sa patuloy na pagbabantay at pananagutan, lalo na ang mga may katungkulan sa pamahalaan. Ayon kay Bishop Bacani, hindi dapat isantabi ng publiko at mga namumuno na ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay paglilingkod at hindi para maging amo ng taumbayan.

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

VP Sara, hindi dapat palampasin sa ginawang pagkakamali

 2,929 total views

 2,929 total views Binigyang-diin ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani, Jr. ang kahalagahan ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan, lalo na sa mga pampublikong pagdinig o public hearings. Ito ang pahayag ni Bishop Bacani kaugnay sa mga naging pagkilos ni Vice president Sara Duterte sa budget hearing para sa Office of the Vice President (OVP), gayundin

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Save Tañon Strait, inilunsad

 2,984 total views

 2,984 total views Inilunsad ng mga makakalikasang grupo mula sa Cebu at Negros ang “Save Tañon Strait” campaign bilang mariing pagtutol sa binabalak na pagpapalawak ng coal-fired power plant sa Toledo City, Cebu. Layunin ng inisyatibo na paigtingin ang panawagan para pangalagaan ang Tañon Strait, ang pangalawang pinakamalaking marine protected area sa bansa at kinikilala bilang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Diocese of San Carlos, nanawagan ng tulong

 4,107 total views

 4,107 total views Patuloy ang pagpapalikas sa mga residente sa loob ng four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) mula sa Mount Kanlaon bunsod ng patuloy na pagtaas ng aktibidad ng bulkan. Ayon kay San Carlos Social Action Director, Fr. Ricky Bebosa, mula pa noong nakaraang linggo ay ipinag-utos na ng lokal na pamahalaan ng Kanlaon City,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Advocacy conference, isasagawa ng UST

 3,793 total views

 3,793 total views Magsasagawa ng advocacy conference ang University of Santo Tomas-Institute of Religion (UST-IR) sa pamamagitan ng Committee on Religious and Academic Formation of Thomasians (CRAFT) bilang pagdiriwang sa 2024 United Nations International Day of Peace at pagtugon sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco. Tema ng gawain ang “Together We Dream, Hope,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Marbel, nagdeklara ng climate emergency

 5,079 total views

 5,079 total views Nagdeklara ng climate emergency ang Diocese of Marbel bilang panawagan laban sa umiiral na suliraning pangkalikasan sa kinasasakupang mga lalawigan sa Soccsksargen Region. Noong ika-15 ng Setyembre 2024, inatasan ni Bishop Cerilo “Alan” Casicas ang mga saklaw na parokya na basahin ang deklarasyon ng climate emergency sa mga Banal na Misa, bunsod ng

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Grand Marian exhibit, isasagawa ng Radio Veritas

 4,622 total views

 4,622 total views Muling inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mga kapanalig sa isasagawang Grand Marian Exhibit katuwang ang Fisher Mall sa Quezon City. Ito ang Mary and the Healing Saints exhibit kung saan itatampok ang nasa 100 imahen ng Mahal na Birheng Maria at mga mapaghimala at nagpapagaling na santo, tulad ng Mahal na Birhen

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinimok ng Obispo na makibahagi sa “one believer,one tree”

 6,079 total views

 6,079 total views Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagtatanim ng mga puno kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation. Ayon kay Bishop Uy, layunin ng “One Believer, One Tree” campaign ng Diyosesis ng Tagbilaran na itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan upang mapanumbalik ang sigla ng mga kagubatan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pamahalaan, hinimok ng MAO na mamuhunan sa malinis na hangin

 10,001 total views

 10,001 total views Hinimok ng Move As One (MAO) Coalition ang pamahalaan na tumugon sa pandaigdigang panawagang mamuhunan sa malinis na hangin. Iginiit ng grupo ang pamumuhunan sa malinis na hangin sa pamamagitan ng pagtataas ng pondo para sa mga low-carbon transport modes upang makinabang ang mamamayan sa mga benepisyong pangkalusugan, pang-ekonomiya, at pangkalikasang dulot ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Illegal quarrying at deforestation, pinuna ni Bishop Santos

 10,021 total views

 10,021 total views Kalakip ng paglikha ng Diyos sa mundo ang dakilang tungkuling pangalagaan, panatilihin, at pagyabungin ang sangnilikha. Ito ang pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat sa bansa na kasabay rin

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

To renew and restore creation, mensahe ng Caritas Bike for Kalikasan

 11,423 total views

 11,423 total views Naghahanda na ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa isasagawang 3rd Caritas Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing na mahalaga ang gawaing ito lalo na sa konteksto ng nagpapatuloy na krisis sa kalikasan. Sinabi

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan ng Bohol, pinakikilos ng Obispo laban sa dengue

 12,329 total views

 12,329 total views Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang pagtutulungan ng mamamayan upang maligtas sa banta ng tumataas na kaso ng dengue sa Bohol. Ang panawagan ni Bishop Uy ay matapos ideklara ang dengue outbreak sa buong lalawigan bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso na umabot na sa higit 450-porsyento mula noong Enero.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top