1,714 total views
Mariing kinundina ng Commission on Human Rights ang panibagong kaso ng pagpaslang laban sa isang abogado sa probinsya ng Abra.
Ayon sa komisyon, hindi katanggap-tanggap ang patuloy na mga serye ng katahasan na nagaganap sa bansa.
Iginiit ng CHR ang kagyat na pagtugon ng mga otoridad upang maparusahan ang mga nasa likod ng krimen at mabigyang katarungan ang sinapit ni Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales-Alzate.
“CHR strongly condemns the killing of another lawyer and joins the call for law enforcement agencies to urgently pursue the perpetrators of this violence so they may be brought to justice.” Ang bahagi ng pahayag ng CHR.
Paliwanag ng CHR, ang karahasan laban sa mga miyembro ng hudikatura ay maituturing na isang tahasang pagsasantabi at paglapastangan sa rule of law.
“In the midst of calls to address impunity, threats and attacks against the members of the legal profession directly affront the rule of law. CHR has since stressed their important role: courts, lawyers, and judges are crucial in administering justice, as well as in uncovering the truth, especially for gross human rights violations.” Dagdag pa ng CHR.
Giit ng komisyon, kinakailangan din ng mga miyembro ng hudikatura ang proteksyon at seguridad upang ganap na maisulong ang katotohanan at maipatupad ang batas sa bansa sa gitna ng paglaganap ng impunity at kawalang katarungan sa bansa.
“It is in the best interest of the government to protect lawyers so they may do their duty of ensuring justice without fear of threats and retaliation, especially for those who continue to stand up for the rights and interest of the weak, vulnerable, and marginalised members of the society.” Ayon pa sa CHR.
Batay sa tala ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) si Alzate na ang ikatlong abogado na napaslang sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod nina Atty. Danny Pondevilla noong December 20, 2022 at Atty. Elmer Mape noong August 22, 2023 ng kasalukuyang taon.
Umabot naman sa 61 na mga abogado ang napaslang sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.