27,726 total views
Tiniyak ng National Economic Development Authority ang pagpapabuti sa ekonomiya matapos maitala ang 6% na overall inflation rate para sa taong 2023.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, patuloy nilang pangalagaan ang purchasing power ng mamamayan at maiwasan na ang labis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
“Amid an uptrend in international rice prices and the expected negative impact of the El Niño phenomenon, the Interagency Committee on Inflation and Market Outlook will closely monitor the situation and propose further temporary tariff adjustments if necessary. We will also push for trade facilitation measures to reduce other non-tariff barriers. While our medium-term objective to boost agricultural productivity remains, it is important to augment domestic supply to ease inflationary pressures on consumers, particularly those in low-income households.” ayon sa mensaheng ipinadala ng NEDA sa Radio Veritas.
Sinabi ng kalihim na mahigpit nilang ipatupad ang ang Executive Order No.50 na nagpapababa ng taripa o buwis na sinisingil sa mga imported na suplay ng agricultural products upang hindi na tumaas ang inflation rate.
Ito ay sa kabila ng panawagan ng ibat-ibang agri-groups na paigtingin ang pag-agapay sa lokal na sektor ng agrikultura sa halip na payagan ang labis na pagtanggap ng imported na suplay ng bigas, mais at karne ng baboy.
We must remain vigilant in monitoring the prices of our commodities and continue to implement strategies to address short-term and long-term inflation-related challenges,” ayon pa sa mensahe ni Balisacan.
Unang binigyang diin ni Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila na dapat 2-porsiyento lamang ang inflation rate upang mabili ng mahihirap ang pangunahing pangangailangan subalit umabot ito ng 8-percent sa nakaraang taong 2023.