386 total views
Kinondena ng grupong Kalikasan Peoples Network for the Environment ang pagpapahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagtatayo ng casino sa Boracay.
Ayon sa pahayag ng Kalikasan PNE, magdudulot lamang ng panganib sa kalikasan ang pagtatayo ng nasabing casino sa Boracay dahil sa mga malilikhang basura ng mga tao, gayundin ang posibilidad na maaari itong pagmulan ng COVID-19 transmission sa buong isla.
“Mega Casinos in Boracay were a poor idea even before the pandemic, and it only became worse after the outbreak. Mr. Duterte’s approval of Boracay casinos would result in a rise in hazardous amounts of human waste on the island, as well as COVID-19 superspreader occurrences,” pahayag ng Kalikasan PNE.
Batay sa ulat, ginawaran ng lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang Galaxy Entertainment Group (GEG) para sa isang $500-milyong integrated casino resort project.
Katuwang naman ng GEG ang Leisure Resorts World Corporation sa pagbili ng aabot sa 23-ektaryang lupain sa Barangay Manoc-Manoc, na isa sa mga tatlong barangay sa Boracay Island.
Paliwanag ng Kalikasan PNE na kapag natuloy ang binabalak na proyekto, malabo ring makapag-ambag ito sa ekonomiya ng bansa lalo na ngayong patuloy ang epekto ng pandemya sa bansa na nagbabawal sa pagpapapasok sa mga turista.
“With daily positive cases exceeding 20,000 and insufficient mass testing, contact tracing, isolation, and treatment, we cannot anticipate these entertainment facilities to remain safe and profitable anytime in the near future,” saad ng grupo.