690 total views
Sinang-ayunan at ikinatuwa ng mga obispo ng Simbahang Katolika ang pagsasama sa curriculum o pagtuturo sa mga paaralan ng kasaysayan, kaugalian at kultura ng mga Muslim at ibat-ibang mga katutubo sa Pilipinas.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, sa pamamagitan nito ay matuto ang sambayanang Filipino at mga katolikong Filipino mula sa kanilang kultura para lubos na magkaunawaan at magkaisa ang lahat ibat-iba man ang pinagmulan.
Inirekomenda din ni Bishop Cabantan na isama sa pagtuturo sa mga paaralan ang indigenous skills, mga kasanayan at kanilang esperitwalidad.
Sa pamamagitan nito, natitiyak ng Obispo na magkakaron ng bukas na komunikasyon, magkaunawaan at magmahalan ang bawat Filipino.
“That is most welcome so that we can learn from their culture(IPs n Muslim) and understand each other better. I just hope that the curriculum will have substantial matters. IP Ed for instance should comprehensively include the indigenous skills, knowledge, practices and spirituality,” pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas
Itinuturing naman na positive development ni Prelatura de Isabela Bishop Martin Jumoad dahil mahalagang malaman ng sambayanang Filipino ang kanilang kasaysayan, kultura at pinagmulan upang matuto tayong igalang ang bawat isa maging katoliko man o hindi.
Iginiit din ni Bishop Jumoad ang kahalagahan na malaman din ng mga Muslim at mga katutubo ang Christian culture upang maging malawak ang pag-uunawaan, paggalang at pagkakaisa ng bawat isa magkaiba man ang pinagmulan, paniniwala at relihiyon.
“It is a welcome development because we need to know their culture. We respect people when we know who they are. Hope Muslims too may study d Christian culture because I know they too have many things to learn from us. It is one sided if the emphasis is only Muslim culture and as if we only have to understand them. They too must learn our Christian culture.”pahayag ni Bishop Jumoad sa Radio Veritas
Mula sa datos ng pamahalaan, 80.2 percent ng mahigit sa 100-milyong populasyon ng Pilipinas ay mga katoliko.