300 total views
Tama ang ginawang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi talakayin sa Association of Southeast Asian Nation summit 2017 ang usapin sa South China sea.
Sinabi ni University of Asia and the Pacific Prof. Bernardo Villegas na maaring nagdulot ng gulo at hindi pagkakaunawaan ng mga lider sa Asya ang kontrobersyal na usapin sa South China Sea.
“It’s good. I don’t think we should really bring it to the ASEAN and that should not be an issue of ASEAN so that we don’t provoke China unnecessarily. I think the approach of Duterte is right not to bring it up because you just more or less embarrass China,” ang bahagi ng pahayag ni Villegas sa Radyo Veritas.
Naniniwala naman si Villegas na hindi wasto ang pagbanggit ng nakaraang administrasyon sa publiko ng nasabing usapin kung saan maaari naman aniya itong idaan sa isang pribadong usapan na hindi malalagay sa alanganin ang China.
“Mali yung kina Aquino and other people who were confronting China. I think the best is to keep silent on it and to raise privately our objections.I don’t think you achieve anything by publicly embarass China,” dagdag pahayag ni Villegas
Dumalo rin sa ASEAN Summit ang Malaysia at Vietnam na parehong claimant sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Naunang inilabas ng permanent court of arbitration ang desisyon na nagsasabing ang ilang bahagi ng South China Sea ay saklaw ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ayon sa Kanyang Kabanalan Francisco, kailanman ay hindi makakamit ang kapayapaan at pagkakaisa kung idadaan ito sa dahas bagkus sa isang maayos na pag-uusap