33,688 total views
Ikinagalak ng Caritas Philippines ang pansamantalang pagsuspende ng Commission on Election (COMELEC) sa kontrobersyal na People’s Initiative para sa isinusulong na Charter Change.
Ayon sa humanitarian, development and advocacy arm of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, dapat na mas pagtuunan ng pansin ng mga opisyal ng pamahalaan ang pagtugon sa mga usapin at suliraning panlipunan na nakakaapekto sa buhay ng bawat mamamayan.
“Caritas Philippines welcomes the Commission on Elections’ (COMELEC) recent suspension of the people’s initiative for charter change. This pause presents an opportunity to refocus national discourse on immediate and pressing societal challenges.”pahayag ng Caritas Philippines.
Paglilinaw ng Caritas Philippines na pinangangasiwaan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, bagamat kinikilala ng Simbahan ang kalayaan sa pag-amyenda ng Saligang Batas ng Pilipinas ay hindi naman ito napapanahon lalo na’t maraming mga suliraning panlipunan ang mas dapat na unahing solusyunan ng pamahalaan.
Partikular na tinukoy ng Obispo ang suliranin ng kahirapan, katiwalian, at pangangala sa kalikasan na pawang may direktang epekto sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino.
“While acknowledging the right to propose amendments, Caritas Philippines contends that addressing issues like poverty, corruption, and environmental degradation should be paramount. These critical concerns directly impact the lives of millions of Filipinos and merit immediate attention from the government. Investing time and resources into revising the Constitution while these issues remain unaddressed would be detrimental to national progress. Instead, Caritas Philippines urges the government to direct its efforts toward tangible solutions that alleviate poverty, eradicate corruption, and protect the environment.” Dagdag pa ng Caritas Philippines.
Una ng binigyang diin ng Caritas Philippines na hindi mababago ang posisyon at paninindigan ng Simbahan na kinakailangang nakabatay at para sa kabutihan ng sambayanan o ng common good ang layunin ng pag-amyenda ng Konstitusyon kung saan hindi dapat na maisantabi ang demokrasya ng bansa gayundin ang anumang kalayaan at karapatang pantao ng bawat mamamayang Pilipino.
“Caritas Philippines remains committed to fostering a just and equitable society built upon the pillars of a strong democracy, transparency, and the common good. We stand ready to engage in constructive dialogue and contribute to upholding the integrity of the Constitution and the democratic processes it enshrines.”paglilinaw ng Caritas Philippines.
Pansamantalang sinuspende ng COMELEC ang lahat ng gawain kabilang ang pagtanggap ng mga ‘signature forms’ na may kaugnayan sa People’s Initiative kung saan nakatanggap na ito ng signature forms mula sa 1,072 munisipalidad at siyudad sa buong bansa.
Ang suspensyon sa pagtanggap sa mga lagda ay kasunod na rin ng inihayag ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na labag sa Konstitusyon ang kasalukuyang isinusulong na People’s Initiative.