Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsusulong ng Entrepreneurship

SHARE THE TRUTH

 88,617 total views

Ang entrepreneurship ay isang paraan upang maka-alpas sa kahirapan. Sa pamamagitan nito, marami na sa ating mga kababayan ang nagkakaroon ng pagkakataon na kumita at mapa-ibayo pa ang kanilang kaalaman at kakayahan.

Tinatayang umaabot na sa mahigit pa sa 1.1 million ang mga business enterprises sa ating bayan. Base nga 2022 Philippine Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) Statistics, 99.6% nito ay maliit o mga MSMEs, habang 0.41% lamang ang malalaki.

Ang entrepreneurship ay isa sa mga solusyon upang maabot natin ang mas mataas na antas ng kaunlaran. Ito’y nagsisilbing pundasyon ng pag-unlad at pagbabago. Sa Pilipinas, marami tayong modelo o inspirasyon sa pagnenegosyo, gaya nila Henry Sy, John Gokongwei, at Manny Pangilinan. Kapag ating sinuportahan ang pagnenegosyo, mas dadami ang tulad nila, at mas dadami din ang mga oportunidad para sa mamamayang Pilipino. Mapapaunlad natin ang ating mga sarili at ang bansa.

Isa sa mga mahalagang papel ng entrepreneurship ay ang paglikha ng trabaho. Sa pagtatayo ng sariling negosyo, nagiging tagapagbigay trabaho ang isang entrepreneur. Kapag mas maraming negosyo ang itinatag, mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng trabaho at makatulong sa kanilang pamilya.

Maliban sa paglikha ng trabaho, ang entrepreneurship ay nagbibigay daan sa paglikha ng mga bagong produkto at serbisyo. Nagbibigay ito ng mas maraming opsyon sa lipunan. Nagdadala ito ng masiglang kompetisyon, na nagtataguyod ng pag-unlad at pagpapabuti ng kalidad ng produkto at serbisyo. Sinusulong nito ang inobasyon.

Kinakailangan ng mga entrepreneurs sa ating bansa ang angkop na suporta mula sa pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan. Dapat magkaruon ng mga programa at pondo ang pamahalaan na naglalayong suportahan ang mga nagnanais magnegosyo. Ito’y maaaring sa pamamagitan ng pautang, training, at iba pang mga serbisyong makakatulong sa kanilang tagumpay.

Pangalawa, mahalaga ang edukasyon tungkol sa entrepreneurship. Ang mga paaralan at unibersidad ay dapat magkaroon ng mga kurso na nagtuturo ng mga kasanayan at kaalaman sa pagnenegosyo. Sa ganitong paraan, maaari nang mabuo ang entrepreneurial mindset sa mga kabataan, na magiging sandata nila sa pagharap sa mga hamon ng hinaharap.

Kinakailangan din ang pagbabago sa kaisipan ng lipunan tungkol sa pagnenegosyo. Dapat ituring nating mga bayani ang ating mga entrepreneurs. Tinataguyod nila hindi lamang ang kanilang negosyo, kundi pati ang ating bansa. Sabi nga ni Pope Francis sa mga steel workers sa Genoa Italy nung kanyang binisita ang mga ito: There is no good economy without a good entrepreneur, without the ability to create work. Napakahalaga ng papel ng entrepreneurs sa ating bayan. Kapag ating pinalakas at sinulong ang entrepreneurship, mas mapapabilis ang pag-angat ng Pilipinas.

Sumainyo ang Katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 64,782 total views

 64,782 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 72,557 total views

 72,557 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 80,737 total views

 80,737 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 96,451 total views

 96,451 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 100,394 total views

 100,394 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 64,783 total views

 64,783 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 72,558 total views

 72,558 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 80,738 total views

 80,738 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 96,452 total views

 96,452 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 100,395 total views

 100,395 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 58,963 total views

 58,963 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,134 total views

 73,134 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 76,923 total views

 76,923 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 83,812 total views

 83,812 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,228 total views

 88,228 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,227 total views

 98,227 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,164 total views

 105,164 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 114,404 total views

 114,404 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 147,852 total views

 147,852 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 98,723 total views

 98,723 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top