Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsusuot ng nakakatakot, hindi kaugalian sa paggunita ng All Saints day

SHARE THE TRUTH

 30,357 total views

Pinaaalalahanan ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na gunitain ang All Saints Day sa angkop na pamamaraan.

Ayon sa Obispo, hindi kaugalian ng isang kristiyano ang pagsusuot ng mga nakakatakot na mga kasuotan para ipagdiwang ang halloween kundi ilaan ang panahon para parangalan ang mga banal ng simbahan.

“Ang halloween ay hindi selebrasyon ng katatakutan. Dress like saints and emulate them. Isabuhay natin ang kanilang mga halimbawa, yan ang tunay na pagdiriwang sa All Saints Day,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na ito ang akmang panahon na tularan ang kasuotan ng mga santo para sa maringal na pagdiriwang at paggunita sa kanilang araw hindi para sa mga walang kabuluhang pagtitipon.

Matatandang mariing kinundena ng kristiyanong pamayanan ang pagsusuot noon ni Pura Luka Vega ng kasuotan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa isang party habang inaawit ang Ama Namin.

Sinabi ni Bishop Pabillo na bilang binyagan nawa’y higit maunawaan ang mga banal na pagdiriwang ng All Saints at All Souls Day kung saan ito ay araw ng mga panalangin para sa mga namayapa.

“Tulad ng pag-alala natin sa mga banal, sa All Souls Day naman alalahanin natin ang ating mga yumaong kaanak, ipagdasal natin ang kanilang kaluluwa. Dapat magtipon ang mga pamilya para gunitain ang mga masayang alaala ng kanilang namayapang mahal sa buhay,” giit ni Bishop Pabillo.

Tinuran ng opisyal na sa pagdalaw sa mga sementeryo ay iwasan ang pagkakaroon ng mga kasiyahan sa halip ay taimtim na manalangin para sa mga nakahimlay.

Naglabas na rin ng kopya ng panalangin ang mga diyosesis na magagamit ng mga pamilya sa pagdalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Una nang sinabi ni Cebu Archbishop Jose Palma na mahigpit sundin ang mga panuntunan sa pagdalaw sa mga sementeryo upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa paggunita ng Undas ngayong taon.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 96,573 total views

 96,573 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 104,348 total views

 104,348 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 112,528 total views

 112,528 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 127,778 total views

 127,778 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 131,721 total views

 131,721 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top