2,647 total views
Ikinalugod ng mananampalataya ng Apostolic Vicariate of San Jose Mindoro ang pagtalaga ni Pope Francis sa ikatlong obispo ng bikaryato.
Sa panayam ng Radio Veritas sa kasalukuyang apostolic administrator ng bikaryato na si Ilagan Bishop David Willim Antonio tiwala itong malaki ang maitutulong ni Bishop-elect Fr. Pablito Tagura, SVD sa paglago ng simbahan sa lugar.
Sinabi ng obispo na ang malawak na karanasan ng pari ay mabisang gabay upang higit na maipalaganap ang kristiyanismo sa lugar na may halos 400, 000 libong katoliko.
“He [Bishop-elect Fr. Pablito Tagura, SVD] will bring with him his rich experience as formator of future missionary priests and brothers in shepherding and accompanying the clergy, religious and lay faithful in their journey toward becoming a truly synodal Church,” pahayag ni Bishop Antonio sa Radio Veritas.
December 17, kasabay ng ika – 34 na anibersaryo ng pagkapari ni Bishop-elect Tagura nang italaga ito ni Pope Francis bilang bagong pinunong pastol ng Bikaryato ng San Jose makalipas ang apat na taong sede vacante nang magretiro noong 2018 ang namayapang si Bishop Antonio Palang.
Si Bishop-elect Tagura ay ipinangak sa Abra noong January 15, 1988 at nag-aral ng Philosophy at Theology sa Divine Word Seminary sa Tagaytay City.
May 31, 19888 nang mag-profess ng kanyang final vow sa SVD congregation at naordinahang pari December 17, 1988.
Sa mahigit tatlong dekadang pagkapari ay naitalaga sa iba’t ibang misyon si Bishop-elect Tagura sa Pilipinas at sa mga lugar sa Estados Unidos.
Sa kasalukuyan ito ay Rector at Dean of Studies ng Christ the King Mission Seminary sa Quezon City at kasapi rin sa Provincial Council ng Society of the Divine Word..