392 total views
Patunayan ang pagiging tunay na kristiyano hindi lamang dahil sa binyag kundi ang pagsasabuhay ng mabuting gawain sa araw-araw.
Ito ang hamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kaniyang homiliya sa ginanap na misa matapos ang Word Exposed: Advent Recollection sa Araneta Coliseum.
Paliwanag ni Cardinal Tagle, base sa datos kalahati ng bilang ng mga Kristiyano sa buong Asya ay matatagpuan sa Pilipinas.
“While we thank God for the gift of Christianity in our country, we cannot be blind to the reality. It seems that there is dichotomy between faith and ordinary life. Living the faith through good works,” ayon sa homiliya ni Cardinal Tagle.
Sa kabila ng mataas na bilang ng mga katoliko, sinabi ni Cardinal Tagle na lumalabas din sa pag-aaral na mataas din ang bilang ng katiwalian sa bansa.
Sa 2016 report ng Transparency International, nakakuha ng 36 points ang Pilipinas na nasa ika-101 puwesto bahagdan mula sa 176 na bansa kumpara sa 95th place noong 2015 report .
“Hanggang number na lang ba tayo,” giit ni Cardinal Tagle.
Sa datos ng Philippine Statistics Office, tinatayang aabot na sa higit sa 100 milyon ang populasyon ng bansa na may 86 na porsiyento ng mga katoliko at sa hiwalay na pag-aaral lumalabas din na 37 porsiyento sa mga ito ang nagsisimba tuwing araw ng Linggo.
“Good works for us Christians sana ay an expression of our faith in Jesus Christ”, dagdag pa niya.
“…Hindi lamang baptismal certificate to proved that I am a Christian. Kundi ah kristiyano. O kahit hindi tayo nagsasalita alam ko kristiyano ka. Bakit? Kasi nagmamahal ka at tumutugon,” isang paghahalimbawa ni Cardinal Tagle na magandang pagkakakilala sa mga Kristiyano ng mga taga-Nepal matapos ang kanyang pagdalaw doon matapos ang lindol.
Bago ang pagdiriwang ng misa, pinangunahan din ni Cardinal Tagle ang taunang Word Exposed: Advent Recollection sa Araneta Coliseum na may temang “Produced Good Fruits as Evidence of your Repentance” na inorganisa ng Jesuit Communications Foundation.