450 total views
Pinuri ng opisyal ng Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paghahanda ng pamahalaan sa pagtanggap ng mga Ukrainian Refugees sa bansa.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos – Vice-Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerants People (CBCP-ECMI) at Promoter ng Stella Maris Philippines, isang mabuting balita ang pagnanais ng Pilipinas na tanggapin ang mga nagsilikas sa Ukraine
“That is good news to our humanity. We have done that before and we did it successfully and fruitfully. We have welcome the so called boat people, those who fled the indochina wars, in Morong Bataan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.
Ang mensahe ng Obispo ay dahil narin sa pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bukas ang Pilipinas para sa mga Ukrainian Refugees.
Ito ay kasabay ng paglalagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order no.163 na ipinag-uutos ang pagbibigay proteksyon, pagtanggap, at pagkalinga ng Pamahalaan at ng buong bansa sa mga Refugees na apektado ng Digmaan.
“That will be our gift to give to whole world,” Pagbabahagi pa ng Obispo sa pagturing sa inisyatibo bilang isang biyaya at regalo ng Pilipinas hindi lamang sa mga mamamayan ng Ukraine kungdi pati narin sa buong mundo.
Tiniyak rin ng Obispo ang kahandaan ng CBCP-ECMI ang pakikiisa ng CBCP-ECMI at Stella Maris Philippines sakali mang magsimula ang inisyatibo ng pagtanggap ng refugees.
Patuloy din ayon kay Bishop Santos ang pag-aalay ng mga misa at pananalangin para sa mga Mandaragat at Migrante upang ipag-adya ang bawat isa sa banta at panganib na idinudulot ng Digmaan.
“We have issued our pastoral statement about invasion in Ukraine praying for war to end, change of heart for those who called the war and protection of all especially migrants and seafarers. We, chaplains, are offering Holy Masses for conversion Russia to foster peace and to stop the invasion,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.
Sa pinakahuling talaan ng United Nations umaabot na sa mahigit 1-milyong refugee ang lumikas sa Ukraine ng dahil sa patuloy na pananakop ng Russia sa bansa.