1,972 total views
Kaisa ang simbahan sa mga gawaing papangalagaan ang buhay higit na ang mga taong naiipit sa digmaan at karahasan sa kanilang sariling bansa.
Ito ang tiniyak ni outgoing Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa paggunita ngayong araw ng World Refugee Day at sa debate ng pagtanggap ng Pilipinas sa pansamantalang pananatili ng Afghan Refugees sa ating bansa.
Ayon sa Obispo, handa ang simbahan ng suportahan ang pamahalaan sa mga inisyatibong kakalinga sa mga nangangailangan kasunod sa pakikiisa ng Pilipinas sa pagtanggap ng mga distressed migrants at refugees.
“Not only as our commitment as UN signatory to help and accommodate migrants and refugees, but much more as Catholic country it is our acts of charity and compassion to assist and to welcome them. We heed to God’s call that “as I am stranger you welcome.” The Church is to cooperate and collaborate with our Government to promote, protect and preserve human lives.It is our natural traits as hospitable, helpful and hardworking people.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Una naring nanawagan ang Federation of Free Workers na tanggapin ang mga Afghan Refugees na aabot 50-libo.
Bagamat unang tinutulan ng ilang opisyal ng pamahalaan sa Pilipinas ang hakbang, nilinaw ng Estados Unidos na pansamantala lamang ito habang inaayos ng Amerika ang kanilang mga VISA at iba pang mahahalagang dokumento.
Magugunitang kilala ang Pilipinas sa pagtanggap at pagkalinga sa mga refugee partikular na ang mga hudyong nangailangan ng matutuluyan noong World War II.