366 total views
Nagpahayag ng suporta ang Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) sa desisyon ng Senate Committee on Finance na bawasan ang 2022 budget ng National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Mula sa 28 bilyong piso ay itinakda sa 4-na bilyong piso ang budget ng NTF-ELCAC upang mailaan sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Sa opisyal na pahayag ng PEPP na pinangungunahan nina co-chairperson Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma, SJ at Rt. Rev. Rex Reyes, Jr. na tama ang desisyon ng mga mambabatas na ilaan sa pagtugon sa krisis na dulot ng pandemya ang pondo ng NTF-ELCAC.
Ipinaliwanag ng grupo na bagamat nabawasan ay sapat pa rin ang pondong ito ng ahensya na mas nakilala sa pagpapalaganap ng kultura ng galit, karahasan at red-tagging sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa halip na sa pagsusulong ng pakikipagdalogo para sa pagkamit ng ganap na kapayapaan.
“The Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) welcomes the decision of the Senate committee on finance to cut the 2022 budget of the National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) from P28 billion to P 4 billion and reallocating the excess funds for COVID-19 response,” pahayag ng PEPP.
Ayon sa PEPP, isang kabalintunaan ang pangalan ng ahensya sapagkat sa halip na kapayapaan at ganap na pagwaksi sa armed conflicts ay nagsusulong ito ng red-tagging.
“The NTF-ELCAC has also become notorious for its rampant red-tagging. It is responsible for vilifying even church organizations, church leaders, and members,” dagdag pa ng PEPP.
Iginiit ng grupo na mapayapang pakikipag-ugnayan at pakikipagdayalogo sa mga armadong grupo ang unang hakbang para sa pagkamit ng matagal ng hinahangad na kapayapaan sa bansa.
Binigyan-diin ng PEPP na ang principled peace negotiations na susi para mawakasan ang local armed conflicts ay hindi nangangailangan ng bilyon-bilyong pondo.
“For us, the church leaders, the most viable option for a just and lasting peace is to forge a negotiated peace settlement coupled with meaningful social and economic reforms,” paliwanag ng PEPP.