14,455 total views
Umaasa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na isabuhay ng mga mananampalataya ang mga katangiang ipinamamalas ni Hesus upang kamtin ang kabanalan.
Ito ang pagninilay ng arsobispo sa ginanap na pagtalaga sa National Shrine and Parish of Our Lady of the Assumption o Maasin Cathedral nitong August 14, 2024 sa Leyte.
Sinabi ni Cardinal Advincula na tulad ng Mahal na Birheng Maria na isinasabuhay ang mga salita ng Diyos ay gawing huwaran ng mananampalatayang dadalaw sa national shrine ang mga gawi ng Mahal na Ina na gagabay tungo sa landas ni Hesus.
“This shrine is a sanctuarium not only because it feels holy or looks holy but because the people who come here are incarnating the call to holiness within their lives, embodying the virtues of Christ in their whole being…Raised, given, and embodied. These are the virtues of Mary assumed into heaven, body and soul. These too are the virtues of a church that we hope to receive from God. May our new national shrine become a place, a locus, a beacon, a milieu for these virtues,” pagninilay ni Cardinal Advincula.
Ipinaliwanag ng arsobispo na tulad ng pangako ni Hesus sa pagtanggap ng sakramento sa binyag ng bawat isa ay nakikibahagi sa pangakong kaligtasan at buhay na walang hanggan.
Ayon sa cardinal, ang pagkatalagang national shrine ng Maasin Cathedral ay hindi nakabatay sa taglay na pisikal na anyo ng gusali kundi sa kabanalang hatid bilang dambana ng Panginoon.
“It is elevated to shrinehood because it would raise our gaze to heaven, to Easter, to forever. It is elevated to shrinehood because the community and the pilgrims here would help each other rise up in the hope of the resurrection,” ani Cardinal Advincula.
Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang pagtalaga sa ika – 30 national shrine ng Pilipinas at kauna-unahan naman sa Eastern Visayas region.
Bukod sa daan-daang deboto at mananampalataya ng Diocese of Maasin, saksi rin sa makasaysayang pagdiriwang sa Leyte sina Maasin Bishop Precioso Cantillas, Calbayog Bishop Isabelo Abarquez, Bacolod Bishop Patricio Buzon, Catarman Administrator, Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco, Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo, Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias, mga kinatawan ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines sa pangunguna ni International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage Rector Fr. Reynante Tolentino at iba ang bisitang pari.
Matatandaang noong Hulyo sa ginanap na plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Cagayan De Oro City inaprubahan ng mga obispo ang pagiging national shrine ng Maasin Cathedral at ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy ng Diocese of Novaliches.