Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtatalaga sa pangulo ng CBCP bilang Cardinal ay pagsasabuhay ng simbahang sinodal-de Villa

SHARE THE TRUTH

 706 total views

Naniniwala ang dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na ang pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ay isang ganap na pagsasabuhay sa pagkakaroon ng Simbahang sinodal.

Ayon kay former Ambassador to the Holy See Henrietta De Villa, ang pagkakatalaga kay Cardinal-elect David bilang bagong Cardinal ay isang patunay na ang Simbahan ay sadyang kaisa ng bawat isa sa lipunan.

Partikular na ikinalugod ni De Villa ang pagkakatalaga sa kasalukuyang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan na bagamat maituturing na isang maliit na diyosesis sa bansa at naging tila sentro ng karahasan noong panahon ng War on Drugs ng pamahalaan ay hindi naisantabi at binigyang pagkilala ng Santo Papa.

Paliwanag ni De Villa, ang pagkakatalaga kay Cardinal-elect David ay isang patunay sa pakikiisa o ganap na pagiging sinodal ng Simbahan sa lipunan.

“Natuwa ako kasi para talagang ngayong with that appointment of Bishop Ambo [David] as Cardinal na ang church cares about the small ones yung peripheries nabibigyan ng halaga, nabibigyan natin ng pansin kasi who would think na ang [Diyosesis ng] Kalookan na napakaliit, I would even say that it’s in the underside of the Metropolis dahil mahirap at saka nandiyan pa nga yung before lahat yung Tokhang, yung mga EJK victims nandiyan naka-concentrate, kaya tuwang-tuwa ako na ang appointment na yan means to say that yung Synodality na ‘no one is left behind, everybody walks together’ lahat binibigyan ng pansin kahit yung maliliit nabibigyang buhay.” Bahagi ng pahayag ni De Villa sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni De Villa na siya ring national president ng Mother Butler Guild, sadyang napapanahon ang una ng tinuruan ni Cardinal-elect David na higit na pagpapaigting ng Simbahan sa misyon nito sa lipunan na mas higit na mapalapit sa kawan ng Panginoon na nahihiwalay at nawawala sa landas patungo sa Diyos.

Giit ni De Villa, hamon rin ito sa bawat layko upang higit pang maging tunay na tagapangasiwa hindi lamang ng likas na mga biyaya ng Panginoon kundi maging ng kanyang kapwa.

“As Bishop Ambo said, the church now goes out to those who don’t go to the church anymore. Ang church na ang nagre-reach-out like a mother na ang laging ang mas pinag-uukulan ng pansin, yung mga anak na may kapansanan, may sakit or yun nawawala, or yung naghihiwalay yun ang binibigyang pansin na it’s also a sign for us lay people of how we should be, welcoming, loving and not exclusive, inclusive love.” Dagdag pa ni De Villa.

Si Cardinal-elect David na kasalukuyang punong pastol ng Diyosesis ng Kalookan ay siya ring Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang magsisilbi bilang ika-sampung Pilipinong Cardinal kung saan nakatakdang isagawa ng Vatican ang consistory para sa mga bagong cardinal sa December 8, 2024 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 1,933 total views

 1,933 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 9,270 total views

 9,270 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 16,585 total views

 16,585 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 66,909 total views

 66,909 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 76,385 total views

 76,385 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagpaabot ng pagbati kay Cardinal-elect David

 1,075 total views

 1,075 total views Nagpahayag ng pagbati ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng simbahan. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, lubos ang kagalakan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan ng VIPS

 4,259 total views

 4,259 total views Inihayag na ng prison ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang tema ng 37th Prison Awareness Sunday ngayong taon. Inilaan ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa pagkilala sa kahalagahan ng mga Volunteer In Prison Service (VIPS) ang paggunita ng Prison Awareness Week ngayong taon kung saan napiling tema ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Simbahan, tiniyak ang pagiging kanlungan ng mga mananampalataya

 4,369 total views

 4,369 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahang Katolika saan mang panig ng mundo upang magsilbing kanlungan ng mga mananamapalataya lalo’t higit ng mga Pilipino na naghahanapbuhay at naninirahan sa ibayong dagat. Ito ang bahagi ng mensahe ni Novaliches Bishop Roberto Gaa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Korte Suprema, pinuri ng CHR

 4,859 total views

 4,859 total views Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang pinakabagong desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay diin na hindi na kinakailangan pa ng proof of resistance o patunayan ng mga biktima ng panggagahasa ang pagtutol sa mga kaso ng pang-aabuso o sexual assault sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta, o pananakot. Ayon sa komisyon na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Certificate of restoration ng Divino Rostro, tinanggap ni Archbishop Alarcon mula sa NHCP

 4,434 total views

 4,434 total views Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang paglagda at pagtanggap ng certificates of transfer and acceptance sa restoration project ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa orihinal na 142-year old icon ng Divino Rostro o Holy Face of Jesus. Isinagawa ang turn-over ceremony noong September 28, sa Minor Basilica of

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Libreng entrance exam fee sa kolehiyo, pinuri ng CHR: Mas malawak na scholarship program, iminungkahi

 5,653 total views

 5,653 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa naisabatas na Republic Act No. 12006 o tinatawag din na “Free College Entrance Examination Act” na naglalayong gawing libre ang college entrance examination sa mga pribadong higher educational institutions (HEIs) para sa mga kuwalipikadong mag-aaral. Ayon sa komisyon, malaking tulong para sa bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paalala ng Obispo sa mga nagnanais na maging opisyal ng bansa: “We are merely their servants”

 6,172 total views

 6,172 total views Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga naghahangad na kumandidato sa nalalapit na halalan na magsilbing tunay na tagapaglingkod o ‘servant’ gaya ng mga lingkod ng simbahan na tagapaglingkod ng Diyos at ng kanyang kawan. Ito ang bahagi ng mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa 38th National Migrants Sunday

 9,769 total views

 9,769 total views Inaanyayahan ng Pastoral Care for Families of Migrants and Itinerant People of Novaliches (PAMINOVA) ang publiko partikular na ang kapamilya ng mga migrante na makibahagi sa nakatakdang paggunita ng diyosesis sa 110th World Day of Migrants and Refugees at 38th National Migrants Sunday. Ayon sa PAMINOVA, layuning ng diyosesis na gunitain at alalahanin

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Priests and politicians are bound for a common goal, to serve the country

 9,984 total views

 9,984 total views Nilinaw ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang mga lingkod ng Simbahan at mga halal na opisyal ng pamahalaan ay kapwa may pambihirang tungkulin at responsibilidad para sa kapakanan ng taumbayan. Ito ang bahagi ng mensahe at pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP Bishop-Promoter of

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ihanda ang mga layko sa Great Jubilee Year 2025, misyon ng National Laity week 2025

 9,797 total views

 9,797 total views Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maging epektibo at makabuluhan ang paggunita ng Pambansang Linggo ng Laiko o National Laity Week 2024 ngayong taon upang maihanda ang bawat layko sa nakatakdang Great Jubilee Year 2025. Ito ang bahagi ng mensahe ni Dipolog Bishop Severo Caermare –

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Maralit, buong-pusong tinanggap ang plano ng Panginoon

 11,330 total views

 11,330 total views Tiwala si out-going Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa plano ng Panginoon at pagtanggap sa bagong tungkulin na ini-atang sa kanya ng Santo Papa Francisco bilang bagong obispo ng Diyosesis ng San Pablo,Laguna. Ibinahagi ni Bishop Maralit na bagamat may takot, pangamba, at bahagyang lungkot sapagkat kontento, payapa at masaya siya sa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pinuno ng CBCP-ECSC, itinalagang Obispo ng Diocese of San Pablo

 11,833 total views

 11,833 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. bilang bagong pinunong pastol ng Diocese of San Pablo. Ang 55-taong gulang na si Bishop Maralit ang hahalili sa naiwang posisyon ng nagbitiw na si Bishop-emeritus Buenaventura Famadico dahil sa kondisyong pangkalusugan. Sa isinapublikong pahayag ng Diyosesis ng San Pablo na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Nararapat ipaalala at ituro ang naganap na karahasan sa panahon ng martial law

 14,393 total views

 14,393 total views Binigyang diin ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) na mahalagang patuloy na ipaalala at ituro sa mga kabataan ang tunay na mga naganap sa bansa noong panahon ng Batas Militar sa gitna ng iba’t ibang tangka na baguhin ang nasabing bahagi ng kasaysayan. Ito ang ibinahagi ni PAHRA Chairperson Dr. Nymia

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Authoritarian regime umiiral pa rin sa Pilipinas

 13,132 total views

 13,132 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa patuloy na mga paglabag sa karatapang pantao, at kawalang katarungan sa bansa makaraan ang 52-taon. Ito ang pagninilay ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

San Carlos Diocesan Social Action Foundation, kinilala ng DSWD

 12,944 total views

 12,944 total views Muling kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahandaan at kakayahan ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) na tumugon sa pangangailangan ng nasasakupan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programa sa lugar. Sa isinagawang DSWD monitoring visit ng DSWD Field Office VI Standards Section Staff sa tanggapan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top