Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 260 total views

Homiliya ara sa Hwebes sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-4 ng Mayo 2023, Juan 13:16-20

Isa sa mga bagay na kailangang harapin at tanggapin sa samahan ng mga alagad ni Kristo ay ang mga okasyon ng pagtatalo at di-pagkakaunawaan. Minsan kasi akala natin laging napaka-“ideal” ng pagsasama ng mga early Christian communities. Tipong niro-romanticize tuloy natin sila. Katulad ng description ni San Lukas sa Acts 2,42-47 at Acts 4,32-35. Ang mga alagad daw sa Jerusalem ay nagkakaisa ng puso’t diwa, kusa daw silang nagbabahaginan ng lahat ng meron sila para walang mapabayaan sa kanila. Totoo ba ito? Minsan oo, minsan hindi. Marami ding hinarap na aberya ang mga early Christian communities, katulad ng mga pagtatalo na humantong sa pagkakatatag ng ministry ng mga diyakono—para daw maging patas ang bahaginan nila dahil nga merong mga balo na napapabayaan sa kanilang komunidad. (Acts 6:1-7)

Si San Pablo nga hindi naman siya tanggap kaagad ng ilan sa mga apostol sa Jerusalem noong una. At si San Pedro, kahit pa siya ang pinili ni Hesus na mamuno sa kanila, minsan sinasapawan siya ng iba, katulad ni James na pinsan daw ni Hesus, na napaka-adelantado ang dating at medyo assertive ng kanyang otoridad. (Gal 2:11-14)

Kung uso na ang labeling noon, baka tinawag na “ultra-conservative” itong si James na kamaganak ni Hesus at “liberal” o “progressive” itong si Paul. Nagbabatuhan din sila ng batikos sa isa’t isa. At kung meron na sigurong social media noon, baka kung ano-ano rin ang pinagpo-post nila laban sa isa’t isa, tulad ng madalas mangyari ngayon.

Parang ganoon din ang dating ni Mark (a.ka. John Mark) sa ating first reading ngayon sa Acts of the Apostles. Narinig natin sa kuwento kung paano nauwi ang pagtatalo sa paglayas ni Markos sa mission team na pinamumunuan ng pinsan niyang si Barnabas (Acts 13:13). Sabi ni San Lukas, basta na lang sila iniwan na walang paalam sa may bayan ng Pamphylia. Saan ba siya nagpunta? Sa Jerusalem daw. Ang tanong ko ay, “Bakit sa Jerusalem siya tumuloy, gayong sa Antioch sa Syria doon sila nanggaling? Ah, ang suspetsa ko ay nagsumbong siya sa mga otoridad doon, siguro kina James at Peter.

Sa Gospel meron ding tension, tungkol naman kay Hudas Iskariote. Kasalo mo sa pagkain, pagkatapos siya pala ang mananaksak sa likod mo. Sabi nga ng kasabihang Pilipino, “Parang ahas na matapos mong pakainin, ikaw pala’y tutuklawin.” Sa buhay ni San Pablo, parang si Markos ang pumapel na Hudas noong una. Pero di tulad ng kuwento ni Hudas na matatapos sa trahedya, ang kuwento ni Markos ay sa happy ending matatapos. Bakit? Dahil nakialam si San Pedro. Namagitan siya.

Noong una, medyo trahedya ang dating ng kuwento. Nahati ang misyon, para bang nagsaulian ng kandila sina Paul at Barnabas dahil kay Mark. (Acts 15:37) Naghiwalay sila ng landas. Gusto kasing isamang muli ni Barnabas sa pangalawang misyon si Mark, pero umayaw si Paul. Ba’t daw ba isasama pa siya e nilaglag sila at nilayasan sa unang misyon? Naghiwalay tuloy ng misyon si Paul, naghanap ng ibang kasama. Ano ba ang nagpatindi sa tensyon na ito?

Ito ang isyu nila: kailangan bang maging Hudyo muna bago maging Kristiyano ang mga Hentil? Bibinyagan din ba ang mga hindi-Hudyo kung tanggapin din nila ang Mabuting Balita ni Kristo? (Acts 15) Ito ang isyu na pinagmulan ng pinakaunang matinding krisis na hinarap ng mga unang Kristiyano. At si Pedro ang namagitan.

Ayon sa kuwento, kinupkop ni Pedro si Mark, isinama sa misyon (1 Peter 5:13). Inilayo muna sa impluwensya ng mga ultra na tulad ni James. Nagsilbing parang referee si Peter. Kaya siya ang simbolo ng pagkakaisa sa Roman Catholic Church—ang luklukan ni San Pedro, ang tinatawag natin pontifex maximus: dakilang tagapamagitan (supreme bridge-builder).

Ganito ang iniimagine kong mensahe ni San Pedro nang mamagitan siya sa pagtatalo sa pagitan ng mga kakampi ni Paul at mga kakampi ni James (kasama na si Mark): “Mag-usap tayo. Makinig naman tayo sa isa’t isa. Huwag nating basta itapon o ilaglag ang isa’t isa. Makinig tayo sa Espiritu Santo para matuto tayong makilakbay sa isa’t isa. Tukuyin ang mga bagay na pwedeng pagkaisahan, respetuhin ang pagkakaiba, sa lahat ng pagkakataon, pag-ibig ang paghariin.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 45,522 total views

 45,522 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 56,597 total views

 56,597 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 62,930 total views

 62,930 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 67,544 total views

 67,544 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 69,105 total views

 69,105 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,308 total views

 6,308 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 8,438 total views

 8,438 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 8,437 total views

 8,437 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 8,439 total views

 8,439 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 8,435 total views

 8,435 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,306 total views

 9,306 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 11,508 total views

 11,508 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 11,541 total views

 11,541 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 12,895 total views

 12,895 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 13,992 total views

 13,992 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,201 total views

 18,201 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 13,920 total views

 13,920 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,289 total views

 15,289 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 15,550 total views

 15,550 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,243 total views

 24,243 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top