449 total views
Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pag-alis sa ‘arancel system’ sa mga parokya sa bansa kapalit ng mga serbisyong ibinibigay sa nasasakupan.
Sa Pastoral Statement on Stewardship na inilabas ng CBCP nitong Enero 28, iginiit nitong mahalagang maisabuhay ang pagiging katiwala ng Panginoon sa biyayang kaloob lalo’t ipinagdiwang ng bansa ang 500 Years of Christianity.
“We, as Church in the Philippines, once more commit ourselves to the gradual abolition of the arancel system. This is a concrete step in renewing ourselves in the practice of stewardship, praying that others may see us truly “as good stewards of God’s varied graces” (1 Pet. 4:10),” bahagi ng pastoral statement ng CBCP.
Paliwanag ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, ang hakbang ng simbahan ay upang mabigyan ng tungkulin ang mananampalataya lalu na sa mga sakramento ng simbahan at pagsunod sa turo ng Panginoon na ipalaganap ang misyon sa sangkatauhan.
Ang ‘arancel’ na umiiral sa mga diyosesis sa bansa ay ‘fixed amount’ sa mga serbisyo ng simbahan na kadalasang naging hadlang sa mga mahihirap upang makatanggap ng mga sakramento.
Magsasagawa naman ang mga simbahan ng katesismo, pagsasanay at wastong edukasyon hinggil sa ‘Spirituality of Stewardship’ lalo na sa mga pari sa parokya bilang kapalit ng arancel system.
Hinikayat naman ni Archbishop Valles ang bawat mananampalataya na suportahan ang pagpapatupad ng stewardship program bilang pakikiisa sa misyon ng simbahan.
“Brothers and sisters, we are all part of this endeavor for we all belong to the Church, the one family of God. We all share responsibility for the Church. Thus, we encourage all the baptized to regularly, wholeheartedly and generously contribute to the Church so that we can fulfill our common mission of spreading the Good News, of serving humanity and caring for the whole of creation,” dagdag pa ni Archbishop Valles.
Patuloy din na hinikayat ng CBCP ang mananampalataya na pairalin ang pagiging mapagbigay lalo ngayong panahon ng pandemya kung saan marami ang nahirapan dahil sa kawalan ng pagkakitaan.