Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtatanggol sa katotohanan

SHARE THE TRUTH

 266 total views

Mga Kapanalig, naalala pa ba ninyo si Captain Manolo Ebora?

Siya ang Pilipinong kapitan ng isang oil tanker mula bansang Liberia at pag-aari ng isang kompanya sa bansang Greece na sinubukang harangin ng Chinese Coast Guard noong 2019 habang dumadaan malapit sa Scarborough (o Panatag) Shoal. Sinita siya ng Chinese Coast Guard at sinabihang mag-iba ng direksyon dahil ang lugar na iyon ay nasa ilalim daw hurisdiksyon ng China at hindi roon maaaring dumaan ang mga sasakyang pandagat ng sinumang dayuhan. Sinuway ni Captain Ebora ang utos ng Chinese Coast Guard at idinaan pa rin doon ang barko. Iginiit niya ang karapatan sa innocent passage o ang pagdaan sa katubigan ng ibang estado nang wala namang layuning manggulo o ilagay sa panganib ang seguridad ng bansang nakasasakop doon. Sinabi rin niyang ang Panatag Shoal ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Pilipinas.

Pinuri noon ng hepe ng Philippine Coast Guard na si Commandant Vice Admiral Joel Garcia ang katapangan ni Captain Ebora, ngunit hindi rin niya itnangging ang ginawa ng kapitan ay maaaring magkaroon ng epekto sa kalakalan ng mga bansa. Hinangaan din ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kapitan, at itinuring na bullying ang ginawa ng Chinese Coast Guard.

Salungat sa mga ito ang naging reaksyon ng Malacañang. Ayon sa noo’y Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi concern ng administrasyon ang nangyari kay Captain Ebora dahil hindi naman daw barko ng Pilipinas ang nasangkot. Kahit pa dalawang eksperto ang nagmungkahing maghain ang bansa ng diplomatic protest laban sa China upang mapanindigan ang “right to innocent passage”, hindi kumibo ang Malacañang.

Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin matapos ang dalawang taon, kung paniniwalaan natin ang impormasyong ipinakakalat ngayon sa social media ng mga masusugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte. Ayon sa kanila, pinuri at binigyang-pugay mismo ni Pangulong Duterte si Captain Ebora dahil sa kanyang katapangang harapin ang mga Tsino. Malinaw na fake news ito dahil walang natanggap na anumang suporta ang kapitan mula sa palasyo. Pakiramdam tuloy ng kapitan, ginagamit lamang siya upang pabanguhin ang imahe ng pangulo ngayong umuugong ang kanyang pagtakbo umano bilang bise presidente katambal ang kanyang anak. Ikinalungkot at ikinainis ito ni Captain Ebora. Ganito rin marahil ang mararamdaman ninyo kung kayo ang kapitan.

Saan kaya kumukuha ng lakas ng loob ang mga nagpapakalat ng pekeng balita upang gamitin ang isang taong nanindigan para sa ating bayan upang iangat ang kanilang iniidolong hindi man lang umaalma sa lantarang panghihimasok ng mga dayuhan sa karagatang dapat pinagbabahaginan ng lahat? Nakalulungkot na may mga kababayan tayong sinasadyang baluktutin ang katotohanan at lokohin ang kanilang kapwa para sa kanilang agenda.

Sa okasyon ng World Communication Day noong 2018, sinabi ni Pope Francis na ikinababahala ng Simbahan ang pagkalat ng fake news. Nagsisimula raw ito sa pagmamataas at pagkamasarili na kung hahayaan nating umiral sa atin ay madaling mabaluktot ang ating kakayahang makipag-usap at makipag-ugnayan sa ating kapwa. Ngunit kung mananatili tayong tapat sa Panginoon at sa Kanyang plano, ang komunikasyon sa ating kapwa ay nagiging mabisang pagpapahayag ng ating responsableng paghahanap ng katotohanan at paghahangad ng tunay na kabutihan.

Mga Kapanalig, tandaan natin ang nasasaad sa Mga Kawikaan 12:19, “Ang tapat na labi ay mananatili kailanman, ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal.” Huwag nating hayaang magpatuloy ang paggamit sa mga katulad ni Captain Ebora ng iilan para sa kanilang pansarling interes at pagpapakalat ng kasinungalingan. Maliban sa gawing insprasyon ang kuwento ng paninindigan ni Captain Ebora, maging aral nawa sa atin ang karanasan niya bilang biktima ng fake news upang suriin ang impormasyong nababasa natin at upang ipagtanggol ang tama at totoo.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 28,450 total views

 28,450 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,106 total views

 43,106 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,221 total views

 53,221 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 62,798 total views

 62,798 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,787 total views

 82,787 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 28,451 total views

 28,451 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,872 total views

 2,872 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,107 total views

 43,107 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,222 total views

 53,222 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 62,799 total views

 62,799 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,788 total views

 82,788 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,487 total views

 48,487 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,512 total views

 43,512 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,081 total views

 47,081 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,536 total views

 59,536 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,603 total views

 70,603 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,922 total views

 76,922 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,533 total views

 81,533 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,093 total views

 83,093 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,654 total views

 48,654 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top