199 total views
Why Mindanao? They can be penalize and reform anywhere else?
Ito ang pahayag ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan sa pagre-assign sa mga police scalawags at mayroong koneksiyon sa ilegal na droga.
Iginiit ng Obispo kahit saan puwedeng gawin ang pagdidisipilina o pagpapatupad ng “holistic, transformative program sa mga nagkamaling pulis.
“What makes the person impure? What comes out of the man, that is what defiles him. This can be done anywhere else. It’s a matter of instituting a holistic, transformative program for individuals, systems and structures.”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.
Binigyan diin ng Obispo na nakakainsulto sa mga taga-Mindanao na maging tapunan ng mga tiwaling pulis.
Nilinaw ng Obispo na magiging katanggap-tanggap ang plano ng gobyerno kung ang layunin ay mahusay na lugar ang Mindanao para sa formation at transformation ng mga scalawag cops.
“Depends on why they bring the scalawags here; we are insulted if we deserve the unruly service of these people, On the other hand if they are brought here because Mindanao is the best community for their formation and transformation then we will appreciate that. Which of these are their motives for doing so?”katanungan ni Bishop Cabantan.
Unang kumontra si Negros Occidental vice governor Jose Lacson na maging tapunan ang lalawigan ng mga tiwaling pulis.
Nangangamba rin ang lokal na pamahalaan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na masisira ang kanilang imahen sa paglilipat ng 48-Narco police doon.
Magugunitang inihayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa na one-third ng may 150-libong pulis ay scalawags.