156 total views
Isang magandang paghahanda para sa darating na Adbiyento ang katatapos lamang na pagdiriwang ng Season of Creation simula September 1 hanggang October 4.
Ayon kay Father John Leydon, isang Columban Priest at Convenor ng Global Catholic Climate Movement sa Pilipinas, ang Season of Creation ang kukumpleto sa mga panahong ipinagdiriwang ng simbahan.
“Napaka ganda kung tutuusin na magkaroon tayo ng tatlong Seasons sa loob ng taon. Una yung Creation, yung pangalawa sa pasko pang incarnation o pagkakatawang tao, at yung pangatlo yun kuwaresma o mahal na araw para sa kaligtasan. So, napaka kumpleto at meron tayong ganyan,” pahayag ni Fr. Leydon sa Radyo Veritas.
Sang-ayon dito, inihayag ni Diocese of Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, na sa panahon ng Season of Creation ay dapat buksan ng bawat isa ang kanilang buhay at kilalanin ang malaking kaugnayan natin sa kalikasan, bilang paghahanda na rin sa pagdating ng manunubos ng sangkatauhan.
“Looking at it, we see that there is indeed a sort of sequence because not long after, we shall start to celebrate the Season of Redemption starting with Advent. So by putting in the Season of Creation we are all called to open our eyes and our life to the reality of creation which so far we have taken for granted and sad to say even abused but due to development in nature, development in culture, development in civilization, we have come to realize that in deed we live in a certain environment, we live in an ecological perspective and that our life weather we realize it or not, whether we realize it more or less is really connected with our environment.” Pahayag ni Bp. Iñiguez sa Closing ng Season of Creation.
Dinaluhan ng mga mananampalataya ang pagtatapos ng ika-apat na taong pagdiriwang sa Season of Creation kasabay rin nito ang pagdiriwang ng World Animals Day at Feast Day ni St. Francis of Asisi.
Ang World Animals Day ay taunang ipinagdiriwang kasabay ng kapistahan ni St. Francis of Asisi ang Patron Saint ng kalikasan at ng mga hayop.
Layunin nito na itaas ang kamalayan ng mamamayan sa tamang pangangalaga sa mga hayop at gawing maayos na tahanan ang kalikasan para sa kanila.