633 total views
Itataas ng Caritas Manila ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap sa pamamagitan ng mga malawakang livelihood programs at pagtataguyod ng mga kooperatiba.
Ito ang tiniyak ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas 846 sa paggunita ng ‘World Day of the Poor’.
“Sa ating mga kapanalig, ang World day of the Poor for 2022 ay isang magandang pagkakataon na itinutulak ng ating simbahan lalo na ni Pope Francis upang tumaas ang ating kamalayan sa kalagayan ng mga mahihirap sa ating mundo, lalung-lalo na sa Pilipinas.”pahayag ni Fr.Pascual
Tinukoyng Pari ang tatlong suliranin na pangunahing kinakaharap ng lipunan higit ng mga mahihirap na nararapat tugunan ng Simbahan.
Ito ay suliranin sa kalusugan na dulot ng pandemya, kakulangan sa suplay ng pagkain at suplay ng enerhiya.
“Sa ating paghahanda magibibgay po tayong muli ng ayudang pagkain sa mga mahihirap lalung-lalu na sa Arkidiyosesis ng Maynila, pinaghahandaan din po natin ang malawakang pagtatayo ng livelihood programs tulad ng kooperatiba upang doon magkatulong-tulong ang mga kristiyano sa pamayanan, yung mga Basic Ecclesial Communities (BEC) natin sa mga parokya.” pahayag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas
Hinimok din ni Fr.Pascual ang bawat mamamayan na paigtingin ang pagtulong sa mga mahihirap.
Bukod sa Arkidiyosesis ng Maynila, una naring tiniyak ng Arkidiyosesis ng Lipa at Diyosesis ng Malolos ang mga paghahanda ng programa sa nalalapit na paggunita ng World day of the Poor.
Tema ng ika-anim na taon ng World Day of the Poor ang “For your sakes Christ became poor”.