224 total views
Tinutulan ni Cagayan de Oro Arhbishop Antonio Ledesma ang planong pagtatayo ng casino ng Limketkai Sons Incorporated sa probinsya.
Inihayag ni Archbishop Ledesma na maraming maidudulot na negatibong epekto sa komunidad ang pagtatayo ng sugalan sa Cagayan de Oro City kung saan malapit sa mga simbahan at paaralan.
Ipinihayag pa ng arsobispo ang pagtutol ng buong arkdiyosesis hindi lamang sa pagpapalawak ng casino industry sa probinsya kundi maging sa buong bansa.
Binigyang-diin din ni Archbishop Ledesma na hindi matatamo ang pantay at makataong lipunan sa pagsusulong ng mga ganitong uri ng proyekto.
Maipapamalas pa rin aniya ang ganda ng syudad kahit wala ang nasabing casino na magiging dahilan upang masira ang buhay at dignidad ng maraming tao.
Sa katesismo, ang pagsusugal ay isang imoral na gawain na pinagmumulan ng kasalanan at nagiging dahilan ng pagkawasak ng tao at ng kanyang pamilya.