Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtatayo ng mission stations sa Diocese of Legazpi, pinalawak ni Bishop Baylon

SHARE THE TRUTH

 2,410 total views

Pinaiigting ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang misyon ng simbahan sa nasasakupang kawan.

Itinatag ng Diocese of Legazpi nitong July 1, 2023 ang tatlong bagong mission churches na makatutulong sa paghuhubog ng espiritwalidad ng halos isa punto limang milyong katoliko sa lalawigan ng Albay.

Sa kautusan ng obispo itinatag ang mission churches sa Naga (Baño) sa Tiwi na binubuo ng mga Barangay Sogod, Cale, Putsan at Cararayan; PARMABICQ sa Camalig na binubuo ng Barangay Pariaan, Manawan, Binanderahan, Cabraran Pequeño at Quinartilan; at ang San Jose sa Malilipot na binubuo ng Barangay Binitayan, San Roque at Calbayog.

“These new missions are aimed at fostering a deeper spiritual life and strengthening the bonds of faith within our communities.” bahagi ng pahayag ni Bishop Baylon.

Itinalaga ni Bishop Baylon si Fr. Cipriano Ante na mangasiwa sa Naga (Baño), si Fr. Alwin Relorcasa naman sa PARMABICQ habang si Fr. Diogenes Barja naman sa San Jose.

Bukod sa mga pari nagtalaga rin ang obispo ng mga seminarista na magiging katuwang sa mga Mission Priests sa pagsasagawa ng pag-aaral at pagbibigay katesismo sa mamamayan sa mga turo ng simbahan bilang paghahanda sa pagtatag ng Quasi – Parish.

Mananatili hanggang November 2023 ang mga seminarista sa nasabing mga lugar upang makipag-ugnayan sa pamayanan at tuklasin ang higit na pangangailangan gayudin ang kahandaan sa posibleng pagbuo ng bagong parokya.

Sa datos ng Catholic Hierarchy mula nang maitatag ang Diocese of Legazpi noong 1951 nasa 49 na ang parokya nito kung saan katuwang ni Bishop Baylon sa pagpapastol ang mahigit sa 100 mga pari.

Hiling ng obispo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin sa mga pari at seminarista na inatasan sa bagong mission churches para sa matagumpay na gawaing pagpapastol.

“Let us keep our Mission Priests and the assigned Prediaconal Seminarians in our prayers as they undertake this important work for the growth and spiritual well-being of our Diocese. May the Holy Spirit guide and inspire them in their endeavors.” ani ng obispo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,288 total views

 69,288 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,063 total views

 77,063 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,243 total views

 85,243 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 100,855 total views

 100,855 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,798 total views

 104,798 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top