2,281 total views
Isinusulong ng Diocese of Surigao ang pagtitipid ng tubig upang mabawasan negatibong epekto ng tag-init sa mga mamamayan, ekonomiya at kalikasan.
Ito ang tiniyak ni Father Denish Ilogon – Surigao Social Action Director bilang paghahanda sa tag-init.
Ayon sa pari, nagsimula na ang information dessimination efforts ng Diyosesis kung saan namamahagi sa mamamayan ng mga infographics kung paano magtitipid ng tubig.
“So kami po sa Diocese, actually nagtutulungan lang din pero sa Social Action, mayroon din kaming mga simpleng pangangalaga kasi actually taon-taon naman po namin itong ginagawa ito lalung-lalu na tuwing panahon ng tag-init o malapit na yung mga taginit,” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Father Ilogon.
Tiniyak din ng Pari ang pakikipagtulungan sa mga katutubong Mamanwa sa Surigao upang mapangalagaan ang mga water sheds sa kabundukan.
Nakikipagtulungan din ang Surigao SAC sa kanilang lokal na pamahalaan upang higit na mapalawig ang adbokasiya ng pagtitipid ng tubig.
Tiniyak rin ni Father Ilogon ang pag-agapay sa mga coconut farmers na apektado ang kabuhayan ng dahil parin sa pinsalang idinulot ng bagyong Odette.
Ayon sa Pari, bunsod ng pinsala sa mga niyog ng kalamidad ay hindi parin nakakabangon ang industriya ng pagniniyog sa lugar kung kaya’t nagsimulang mag-tanim ng gulay at mangisda ang mga coconut farmers sa lugar.
“Kaya nga isa sa mga livelihood na ginagawa sa Diocese of Surigao lalung-lalu na sa DSAC yung pagpapagawa po namin ng mga ma-promote yung mga pump boats, para magamit ng mga tao lalo na ng mga fisherman na nasira yung kanilang mga bangka, yung mga boats nila noong panahon ng Odette, yun po ang sinasikap namin ngayon nagpapatuloy pa po kami hanggang ngayon, hindi pa po natatapos, paunti-unti po namin ginagawa yun,” bahagi pa ng panayam ng Radio Veritas kay Father Ilogon.
Unang hinamon ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang pamahalaan at mamamayan na paghandaan ang tag-init upang hindi lubos na maapektuhan ng panahon ang sektor ng agrikultura.