11,668 total views
Tiniyak ng National Council Against Child Labor (NCACL) ang patuloy na paglaban sa child labor sa lipunan.
Ito ang mensahe ni NCACL Alternate chairperson Undersecretary Benjo Santos Benavidez sa culminating activity sa Tarlac City sa paggunita ng pamahalaan ng World Day Against Child Labor (WDACL).
Sinabi ng opisyal na marahang tinutugunan ng pamahalaan ang suliranin ng child labor sa pagbibigay ng tulong pangkabuhayan sa mga magulang at pag-alalay sa mga batang biktima.
“The WDACL culmination in Tarlac was led by Undersecretary Benavidez, Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay, DOLE Central Luzon Regional Director Geraldine Panlilio, Bureau of Workers with Special Concerns Director Ahmma Charisma Lobrin-Satumba, and was graced by local and regional government officials,” ayon sa mensaheng pinadala ng Department of Labor and Employment sa Radio Veritas. Nilinaw naman ng DOLE sa mga dumalong child laborers, kabataan at iba pang mamamayan na masasawata ang child labor sa bansa.
Bukod sa pamamahagi ng livelihood assistance ay nag-alok din ang DOLE ng mga clinic caravans, massage parlors at dental services sa mga dumalong mamamayan. Tema ng World Day Against Child Labor ngayong taon ay “Bawat Bata, Malaya: Mithiin ng Nagkakaisang Bansa,”.
Sa talaan ng pamahalaan noong 2023, mahigit sa 900-libong batang Pilipino ang biktima ng child labo sa Pilipinas habang sa datos ng International Labor Organization ay 152-milyong bata ang biktima ng child labor sa buong mundo kada taon.