Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

SHARE THE TRUTH

 1,855 total views

Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay.

Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala ang pagkakataon para iangat ang sarili, lalo na’t paparating na naman ang eleksyon. May mga nagbigay ng relief goods na may nakadikit na mga pangalan at mukha nila. May mga naghatid ng pagkaing pantawid gutom—pantawid kasi kakarampot lang ang laman—na ang lalagyan ay may sticker na may pangalan at mukha ng mga pulitiko. Epal na epal talaga.

May kumalat ding video ng isang lokal na opisyal na nagpamudmod ng pera sa kanyang constituents habang nakasakay siya sa isang rubber boat. Para nga siyang haring nakatayo sa bangkang hinihila ng mga tauhan niya. Prenteng nakaupo naman ang kanyang anak na may posisyon din sa probinsya. Ang mga inaabutan naman ng pera ay nakababad sa umaagos na baha. Nakatanghod sila at nakataas ang mga kamay na tila nagmamakaawa sa congressman. Nag-uunahan silang maabutan ng perang makatutulong sa kanilang makabili ng pagkain o anumang pangangailangan nila.

Hindi natin masisisi ang mga kababayan nating desperado dahil sa kanilang sitwasyon, ngunit napakababa naman ng turing sa kanila ng isa sa mga ama ng kanilang lalawigan. Pwede namang ipamigay ang tulong sa sistemikong paraan—isa-isang bibisitahin ang mga tao o titipunin sila sa isang tuyong lugar. Lumitaw na ngang walang maayos na plano ang lokal na pamahalaan para tiyakin ang kaligtasan ng mga tao sa panahon ng kalamidad, parang sinusuhulan pa ng opisyal ang mga táong ilang taon nang nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan sa loob ng maraming taon. Kilalang political dynasty ang pamilya ng mag-amang pulitiko.

Sa kanyang bagong labas na ensiklikal na pinamagatang Dilexit Nos, inilarawan ni Pope Francis ang tinatawag na “Christian charity” o Kristiyanong pagkakawanggawa. Iba raw ito sa ibang uri ng pag-aabot ng tulong sa iba, lalo na sa mahihirap, dayuhan, at itinuturing na iba sa lipunan. Ang Kristiyanong pagkakawanggawa ay gumagalang sa angking dangal ng tao. Tayong mga mananampalataya ay tinatawag na pagtuunan ng pansin ang paghihirap at mga pangangailangan ng ating kapwa. Pero hindi lamang ito simpleng pag-aabot ng tulong at lalong hindi ito para iangat ang ating sarili para purihin ng iba. Ang pagkakawanggawang hinihingi sa atin ay kumikilala sa dignidad na taglay ng tumatanggap ng ating tulong.

Hindi ito nangyayari kung ang pagkakawanggawa ay nagpapatingkad sa ating hindi pagkakapantay-pantay—sa malaking agwat ng mayayaman at mahihirap, ng makapangyarihan at mahihina, ng mga nabubuhay sa pribilehiyo at nagdurusa sa karukhaan. Huwad at hungkag na pagkakawanggawa ito.

Taun-taon tayong nakararanas ng matitinding kalamidad gaya ng mapaminsalang mga bagyo. Kung pwede nga lang sanang hindi mangyari ang mga ito, pero hindi ito posible. Ang mga pangyayaring ito ay mga pagkakataon upang magpaabot ng kabutihan sa ating kapwa, lalo na sa mga dukha. Mga pagkakataon ito para maipakita ang puso ni Hesus, ang puso Niyang ayon pa rin kay Pope Francis, ay natural na tanda at simbolo ng Kanyang walang hanggang pag-ibig. Kung ang puso ni Hesus ang nais nating maipakita sa ating pagkakawanggawa, dapat nating kilalanin na ang mga aabutan natin ng tulong ay mga taong kapantay natin sa dignidad. Hindi sila parang mga hayop na hinahagisan lang ng pagkain.

Mga Kapanalig, radikal ang pag-ibig na umuudyok sa Kristiyanong pagkakawanggawa. Ito ay pag-ibig na, gaya ng sinasabi sa 1 Juan 3:16, handang mag-alay ng buhay para sa ating mga kapatid. Ang unang hakbang nito ay ang pagturing sa iba bilang kapwa-tao.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 1,856 total views

 1,856 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 32,994 total views

 32,994 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 38,581 total views

 38,581 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 44,097 total views

 44,097 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 55,218 total views

 55,218 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 32,995 total views

 32,995 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 38,582 total views

 38,582 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 44,098 total views

 44,098 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 55,219 total views

 55,219 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 77,441 total views

 77,441 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 65,143 total views

 65,143 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 73,625 total views

 73,625 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 66,684 total views

 66,684 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 73,608 total views

 73,608 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 70,702 total views

 70,702 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 81,203 total views

 81,203 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 96,276 total views

 96,276 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 102,240 total views

 102,240 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 106,387 total views

 106,387 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 115,537 total views

 115,537 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top