Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtupad sa Salita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

 451 total views

Mga Kapanalig, dahil pa rin sa patuloy na banta sa kalusugan ng COVID-19, walang prusisyon ng imahe ng Poong Itim na Nazareno sa Traslacion ngayong taon. Katulad noong mga nakaraang taon, magsasagawa na lamang ng tinatawag na “localized Traslacion” kung saan bibisita ang imahe ng Itim na Nazareno sa iba’t ibang simbahan sa Metro Manila at Luzon.1Maraming deboto ang dismayado, ngunit katulad nga sinasabi ng tema ng pagdiriwang ngayong taon, higit na mapalad ang mga nakikinig sa Salita ng Diyos at tumutupad nito. Hango ito sa Ebanghelyo ni San Lucas 11:28.

Ang ating pananampalatayang Katoliko ay hindi nga lamang natatapos sa ating pakikinig sa Salita ng Diyos. Hindi ba’t may kasabihan pa ngang “actions speak louder than words”? Ngunit sakit na nga yata ng marami sa atin ang patagusin lang sa isang tainga ang mga naririnig ng kabilang tainga sa tuwing nakikiisa tayo sa Banal na Misa o nakakapakinig ng mga pagninilay tungkol sa mga Salita ng Diyos. Naririnig natin ang mga pangaral ng Diyos ngunit sinusunod ba natin ang mga ito?

Totoong bitbit ng marami sa mga namamata sa kanilang pagsisimba ang mga personal na intensyon—mga panalangin para sa kagalingan ng katawan, mga dasal para mapawi ang hirap sa buhay, mga petisyon para sa kaligtasan mula sa anumang pinsala. Hindi ito masama. Hindi ipinagbabawal ang paghingi ng himala. Ngunit kung tunay nating pinakikinggan ang Salita ng Diyos at kung tutuparin natin ito, inuudyukan tayong mga mananampalatayang lumampas sa ating mga pansariling kahilingan at tahakin ang mga yapak ni Hesus.

At gaya ng minsang ipinaalala ni Pope Francis, ang pagpapasyang sundin ang Diyos sa ating buhay ay hindi lamang isang natatanging pagkakataon o once-in-a-lifetime opportunity. Isa itong pagdedesisyong ginagawa natin araw-araw. Nararanasan natin si Hesus sa mga sakramento, sa pananalangin, at sa pakikibahagi sa buhay ng ating kapwa, lalo na sa mga pinanghihinaan ng loob at walang-wala sa buhay. 2 Hindi madaling gawin ang pangatlo, lalo na kung marami rin tayong pinapasan sa ating mga balikat. Ngunit hindi ito imposible.

Paano natin pinahahalagahan ang ating mga kapamilya, kaibigan, at kapitbahay, lalo na ang mga may pinagdaraanan sa buhay? Dinadamayan at kinakalinga ba natin sila sa kanilang pag-iisa? O kinapopootan at ginagawa natin silang paksa ng mga tsismisan?

Paano natin ipinakikita ang ating pagiging responsableng mamamayan ng ating bansa? Nakikita ba nating may epekto sa iba ang ating mga ginagawang desisyon katulad ng pagpili ng ating mga lider tuwing eleksyon? O wala tayong pakialam basta ang “manok” natin ang manalo at basta may suhol tayong natatanggap?

Paano natin tinatrato ang ating kapwa-tao? Nag-aabot ba tayo ng tulong sa mga nangangailangan dahil karapat-dapat silang bahaginan? O dahil gusto lamang nating gumaan ang ating pakiramdam at purihin ng iba?

Kaakibat ng pagtupad sa mga Salita ng Diyos ang pakikipagtagpo sa ating kapwa. Maliban sa pagsunod sa kalooban ng Niya at pakikipag-usap sa Kanya sa pamamagitan ng ating mga panalangin, tayo ay inaanyayahang katagpuin Siya sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw. Kung tatalima sa mensaheng ito ang milyun-milyong deboto ng Mahal na Poong Nazareno, kung tutupad sila sa mga Salita ng Diyos na kanilang naririnig, tiyak na malaking pagbabago ang ating masasaksihan, hindi lamang sa ating Simbahan kundi sa ating bayan.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Santiago 2:17, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa. Ngayong walang prusisyon ang Poong Itim na Nazareno na susundan ang milyun-milyong deboto mula sa Luneta pabalik sa Simbahan ng Quiapo, nawa’y ang mga salita at gawa ni Hesus ang ating sundan hindi lamang ngayong kapistahan kundi, sabi nga ni Pope Francis, sa araw-araw nating pamumuhay.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 65,699 total views

 65,699 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 80,776 total views

 80,776 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 86,747 total views

 86,747 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 90,930 total views

 90,930 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 100,208 total views

 100,208 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 65,700 total views

 65,700 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 80,777 total views

 80,777 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 86,748 total views

 86,748 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 90,931 total views

 90,931 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 100,209 total views

 100,209 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 53,648 total views

 53,648 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 51,893 total views

 51,893 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 102,201 total views

 102,201 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 111,669 total views

 111,669 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 83,089 total views

 83,089 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 89,348 total views

 89,348 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 103,665 total views

 103,665 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 89,032 total views

 89,032 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 76,623 total views

 76,623 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 89,225 total views

 89,225 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top