338 total views
Suportado ng migrants ministry ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pahayag ng Department of Foreign Affairs hinggil sa panukala ng Hong Kong na maaring mawalan ng trabaho ang isang domestic workers kung hindi magpabakuna.
Sa pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng komisyon hindi nararapat na gamiting batayan ang pagpapabakuna para magpapatuloy sa trabaho ang isang Overseas Filipino Worker.
“We stand and support our DFW that our OFWs should not be singled out for required vaccination in their renewal of works,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.
Itinuturing na diskriminasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr ang panukala ng Hong Kong na pag-single out sa mga Filipino domestic worker sa lugar.
Naniniwala si Bishop Santos na isa ang bakuna sa mga epektibong paraan upang labanan ang COVID-19 subalit dapat na igalang ng pamahalaan ang desisyon ng mamamayan sa pagpapabakuna at dapat hindi ipipilit.
“We must also take into consideration personal health and consent of person; It should never be forced and no one should be coerced, no one should be singled out nor label as dangerous or potential carriers,” ani Bishop Santos.
Isinusulong ngayon sa Hong Kong ang mass testing sa 370-libong domestic workers na karamihan ay mga Pilipino.
Sa ilalim ng kautusan dapat mabakunahan laban sa virus ang domestic worker bago ma-renew ang kontrata sa trabaho habang kailangan namang nabakunahan na ang bagong domestic worker na papunta pa lamang sa lugar.
Sa kasalukuyan mahigit na sa 11-libio ang total cases sa HOng Kong kung saan 130 ang active cases at 28 naman ang nasawi. Binigyang diin ni Bishop Santos na dapat pairalin sa pamayanan ang pagkakaisa at paggalang sa bawat karapatan. “Common good and personal freedom should always prevail,” giit ni Bishop Santos.