1,502 total views
Kinakailangan ng mga bumubuo sa sektor ng edukasyon ang pagtutulungan sa pagtatagumpay ng bagong taon ng pag-aaral.
Ito ang mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao – Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral ngayong Agosto sa mga pribadong paaralan at sa August 29 naman sa mga pampublikong paaralan.
Ayon sa Obispo, mahalagang maisabuhay ng mga principal, guro at kawani ng mga paaralan ang matuwid na pangangasiwa sa kapakanan ng mga estudyante.
Kinakailangan ding maisulong ang bagong pamamaraan ng pagtuturo na nagbibigay sigla at inspirasyon sa mga estudyante upang pumasok.
“Teachers are asked to be the “Jack of All Trades” in the school which is a tall order, kaya dapat ay sumailalim sila sa tunay na capacity building, genuine retooling of their skills and abilities and trainings for creative way of imparting knowledge to make their subject matters as interesting as possible, since when they face their students each day, they must know that they teach not only in words but most importantly in their actions. Let their words and actions speak, explain and teach the truth about life.” Ayon sa mensahen ipinadala ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas.
Paalala naman ng Obispo sa mga kabataang mag-aaral ang pakikinig, pagsunod at higit na pagkilala sa sakripisyo ng kanilang mga guro upang makapagturo at maisalin ang mga mahahalagang kaalaman.
Hinimok naman ni Bishop Mangalinao ang mga magulang at legal guardians na makipagtulungan at maayos na pakikipag-ugnayan sa mga educators upang sama-samang matugunan ang mga pangangailangan at suliranin ng mga estudyante.
“Sabi nga, ‘It takes a village to raise a child with enough intelligence to go through life! but it takes God to help a child to go from this life to eternal life!’ So it is a must for all school personnel and stakeholders to know this early that all of our common effort will be in vain without God in our very own hearts and minds and souls as our moral compass Let God be God in us and we he will show us the way.” ayon pa sa mensahe ng Obispo para sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral.
Sa tala, inaasahan ng Department of Education na mahigitan o umabot sa 28-milyong mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang mag-enroll para sa School Year 2023-2024.