2,541 total views
Pinatibay ng Commission on Audit (COA) at Public-Private Partnership (PPP) Center ang pagtutulungan para sa maayos na auditing ng PPP projects.
Upang maisakatuparan ito, isinagawa ang 4-days workshop kung saan hinasa ang mga kasanayan at abilidad ng mga kawani ng COA at PPP.
Iginiit sa workshop ang katangian ng pagiging matapat, maayos at transparent ng mga kawani ng dalawang ahensiya.
“I’m pleased COA now has a manual for our auditors to review significant projects involving government and private groups through PPPs. this manual will guide our auditors in their work.” ayon sa naging mensahe ni COA Commissioner Roland Cafe Pondoc sa workshop.
Tiwala ang COA at PPP na sa pamamagitan ng workshop ay mapapatibay ang tiwala ng mamamayan at stakeholders sa tamang auditing ng pondo ng mga pribado at pampublikong ahensya ng mamamayan.
“COA’s auditing of PPP projects is vital, as guardians of public trust, COA must rigorously audit PPP projects to ensure they follow rules, are transparent, accountable, and use resources efficiently for the country’s benefit.” ayon naman sa mensahe ni PPP Executive Director Jeffrety Manalo.
Ang PPP ay ang ahensya ng pamahalaan na tagapamagitan at namamahala sa mga pagtutulungan ng pamahalaan katuwang ang pribadong sektor.
Habang ang COA naman ang nagsasagawa ng mga audit upang matiyak na sa maayos at hindi sa katiwalian napupunta ang mga pondong ginagamit ng pamahalaan na mula sa kaban ng bayan.
Sa bahagi ng simbahan, ipinaalala ng kaniyang Kabanalang Francisco sa bawat pastol at nangangasiwa ng simbahan na paigtingin ang pakikipagtulungan sa ibat-ibang ahensya upang maisulong ang transparency at tapat na pangangasiwa sa mga simbahan.