966 total views
Umaasa si Sorsogon Bishop Emeritus Arturo Bastes na pahalagahan ng pamahalaan ang dignidad ng buhay ng mamamayan.
Ito ang mensahe ng Obispo sa pagdiriwang ng International Human Rights Day kung saan iginiit nito ang kahalagahan ng paggalang sa buhay ng bawat indibidwal sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, kultura at tradisyong kinagisnan.
“May the authorities of our government respect the God-given rights of every Filipino as enshrined in our Constitutions,” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.
Batid ng Obispo ang iba’t ibang karahasang laganap sa daidig na nagpapahirap sa maraming mamamayan lalo na sa mga mahihirap sa lipunan na labis apektado sa pang-aabuso ng karapatang pantao.
Sa Pilipinas nanindigan ang simbahan at mga human rights defenders laban sa extra judicial killings sa madugong war on drugs ng administration na batay sa tala ay humigit kumulang 30-libong katao na ang nasawi mula 2016.
Bukod pa rito ang red-tagging sa mga grupo at indibidwal na hayagang tumututol sa ilang polisiya ng pamahalaan.
“Grave violations against human dignity are happening in many countries, especially in totalitarian States with communist ideology and even in Christian countries like the Philippines, where laws violating human rights exist in blatant violation of our country’s Constitution,” ani Bishop Bastes.
Ibinahagi ng obispo na ang ‘Declaration of Human Rights by the United Nations Organization’ ay ipinanukala ni Jacques Maritain isang Catholic Philosopher na sumulat ng mga aklat tungkol sa dignidad ng buhay ng tao.
Binigyang diin ni Bishop Bastes na nagsisimula ang buhay ng tao sa sinapupunan sa paglilihi ng mga magulang kaya’t dito rin ang simula ng karapatan ng bawat isa.
“The greatest gift of God for humanity is life and freedom. Hence all the rights which a single person enjoys, whether this person is “insignificant” such as a baby in its mother’s womb or a simple person in the barrio, must be respected by the State,” giit ng Obispo.
Sa kasalukuyan nanindigan pa rin ang simbahang katolika sa Pilipinas laban sa nakabinbing ‘DEATH bills’ sa kongreso kabilang na ang aborsyon, death penalty at same sex marriage.
Tuwing December 10 ay ginugunita ang International Human Rights Day ang anibersaryo ng pag-adopt ng United Nations General Assembly sa Universal Declaration of Human Rights noong 1948.
Sa nasabing dokumento inilahad ang iba’t ibang karapatan ng isang indibidwal sa maging iba ang pananampalataya, kasarian, social origin, birth status o political stand ng tao.