7,952 total views
Nanawagan si Running Priest Father Robert Reyes sa mga tagapagpatupad ng batas na pahalagahan ang karapatang pang-tao.
Ito ang mensahe ng Pari sa naging ‘Mass for Extra-judicial Killings Victims’ sa Diocese of Novaliches Parokya ng Ina ng Lupang Pangako sa Payatas Quezon City na inalay para sa mga napatay sa madugong War on Drugs ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulon Rodrigo Duterte .
Ipinagdarasal ng Pari na tuluyang ng magbago rin ang mga opisyal sa pamahalaan lalu na ang mga mambabatas at pagtingin ang pagpapahalaga sa buhay at karapatan ng bawat mamamayan.
“Kailangan po ay ituro sa lahat ng mga mambabatas, lahat ng mga pulis, military, mga may hawak ng kapangyarihang manakit na igalang ang karapatang pang tao, yan po ang humihila sa ating bansa at panahon natin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Reyes.
Mensahe naman ni Former Senator Leila De Lima sa may 100 na naulilang pamilya ng mga EJK Victims na huwag mawalan ng pag-asa.
Iginiit ng dating Senador na sa tulong ng pakikibaka, pananalangin at matibay na pananalig sa Diyos ay makakamtam ng mga pamilya ang katarungan.
“Huwag mawawalan ng pagasa dahil dadating at dadating ang katarungan,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Former Senator De Lima.
Sa datos ng Human Rights Watch, noong 2022 ay umabot na sa 12-libo ang biktima ng war on drugs campaign nang nakalipas na admnistrasyong Duterte.
Patuloy din ang iba pang Diyosesis sa Pilipinas sa pakikiisa at pagtulong sa mga naiwang pamilya ng EJK victims.