163 total views
Nabahala si Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez matapos sabihin ni Presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na wala itong pakialam kung lahat ng obispo ng Simbahang Katolika ay hindi panig o boboto sa kanya.
Ito ayon kay Bishop Gutierrez ay bagamat kinikilala nito ang karapatang magpahayag ni Duterte subalit ito ay repleksiyon na may mga Katoliko ang hindi sumusunod sa katuruan ng Simbahang Katolika.
Kahilingan pa nang obispo ay ipanalangin at huwag husgahan ang mga ito bagkus ay matutong makipag – diyalogo.
“Well that insist right not to follow. Matagal na akong nabahala that is why I’ve been praying for him and for the people here. No problem, normal naman yan there are many Catholics who do not follow the teachings of the church we cannot force them. Just pray for them and if they are around we can reach out to them as I did already. Dito I was waiting for him (Duterte),” bahagi ng pahayag ni Bishop Gutierrez sa panayam ng Veritas Patrol.
Nakikita naman ni Bishop Gutierrez magulo ang mangyayari sa bayan sakaling palaring manalo si Duterte sa pagka – pangulo. Ngunit aniya tanging sandata na lamang ng lahat at panalangin sakaling mangyari man ito. “Magulo, magulo kaya we need more prayers. Ewan di ko pa alam pero magulo sigurado ako. We will pray then to do what we can do when the time comes. Malaking hamon sa ating lahat,” giit pa ni Bishop Gutierrez sa Radyo Veritas.
Batay naman sa tala na 81 porsyento ng 54.6 na milyong rehistradong botante ngayong May 9, 2016 national elections ay pawang Romano Katoliko. Nauna na rito hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na magtirik ng kandila at magrosaryo para sa mapayapang Halalan 2016