503 total views
by: Norman Dequia/Marian Navales-Pulgo
Walang binabagong batas ng simbahan si Pope Francis sa usapin ng same sex marriage.
Ito ang pahayag nina Veritas Pilipinas anchor priests Fr. Emmanuel Alfonso SJ, Executive director ng Jesuits Communication at Msgr. Pepe Quitorio kaugnay sa mga ulat na pinapayagan ng Santo Papa ang pag-iisang dibdib ng parehong kasarian.
Ipinaliwanag ni Msgr. Quitorio, director ng Media office ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na binigyan diin lamang ng Santo papa ang pagbibigay tuon sa karapatan ng mga homosexual bilang bahagi ng pamilya at ng lipunan.
“It is not a change of dogma, or document ng simbahan. Walang binago. Ang sa kanya lang (Pope Francis), bigyan ng atensyon ng civil government kasi may mga problema ‘yang ganyan and they are our brothers and sisters,” ayon kay Msgr. Quitorio.
Sa hiwalay na pahayag sinabi naman ni Fr. Alfonso na ang lahat ay may karapatan na kalingain, igalang at mahalin na siya ring sinasaad sa mga dokumento ng simbahan.
“May karugtong daw yan. Tinanggal na ang ‘this doesn’t mean that I support homosexual act.’ Tinanggal yun. Ganun po talaga yan. Pangalawa, matagal nang turo ng simbahan at ito ang ang mahalaga na ang third sex na matagal na may mga dokumento na ang simbahan na ang people are differently orientated, dapat respetuhin pa rin natin. Respetuhin, kalingain, mahalin. So yun po ang context ng katuruan ng simbahan, hinihingi po na nagbigyan natin ng paggalang ang lahat ng tao anuman ang kanyang kasarian. Pangatlong punto nga natin iba po ang civil union sa marriage,” paliwanag pa ng pari.
Iginiit ng pari na ang ipinaliwanag ni Pope Francis ay ang pagkakaiba ng ‘civil union’ sa sakramento ng kasal na tinututlan ng simbahan sa magkapareho ng kasarian, subalit kinakailangan ng proteksyon sa ilalim ng civil law.
Ang kontrobersyal na pahayag ng Santo Papa ay mula sa documentary film na ipinalabas sa Roma, Italya.
“Hindi yan bago, yan ay bahagi ng isang documentary film na nag-premiere nung isang araw sa Roma, Italya. Pinik-up nila ang mga kontrobersyal statement,” dagdag pa ni Fr. Alfonso.
Tiniyak din ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP- Permanent Committee on Public Affairs na hindi nababago ang turo ng simbahan sa usapin ng pag-aasawa.
Ipinaliwanag ni Fr. Secillano na bukod tanging Santo Papa lamang ang makapagpaliwanag sa tunay na kahulugan ng “Una Ley de Convivencia Civil” na nagkaroon ng iba’t-ibang interpretasyon.
“Church’s law and doctrine on marriage didn’t change anyway. They remain the same. Meaning, marriage is between a man and woman. Our Constitution and existing laws also provide the same; The best interpreter of that remark, however, is the Pope himself!” pahayag ni Fr. Secillano.
Iginiit ng opisyal na hindi madali ang pagbabago ng doktrina ng simbahan lalo’t nag-ugat lamang ito sa panayam ni Pope Francis sa isang film documentary.
Inihayag ni Fr. Secillano na maaring gamitin ng LGBT groups at kanilang supporters ang pahayag ni Pope Francis para isulong ang kanilang agenda pero ang pamahalaan at lehislatura pa rin ang magpapasa ng batas kaugnay sa civil-union.
“The Pope’s remark may be used by LGBT groups and their supporters to advance their agenda. But at the end of the day, it’s still the government that’s responsible for enacting laws on civil-union and the church is expected to remain firm in its support for the traditional definition and meaning of marriage. Having said that, the Church also respects the dignity and recognizes the rights of the LGBT as mandated by present law legislations in our country’. Pahayag ni Pari