22,679 total views
Tiniyak ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) ang patuloy na pakikiisa sa sektor ng mga manggagawa.
Ito ang mensahe ng EILER sa paggunita ng ika-43 taon ng pagkakatatag institusyon.
Inihayag ng EILER ang patuloy na pagdaraos ng mga pananaliksik at pag-aaral upang magkaroon ng mga datos na maaring magamit ng mga manggagawa, guro, at iba pang research institutions sa kanilang patuloy na pakikibaka upang makamit ang katarungang panlipunan.
“In all the coming discussions on the propriety or impropriety of a P100 increase in the minimum wage, lawmakers, employers—big and small—and the Marcos administration’s economic managers must all be reminded that denying workers their fair wages is simply unjust. This is an injustice long suffered by Filipino workers,” ayon sa mensahe ng EILER.
Nanindigan ang EILER sa pagsusulong sa dignidad ng mga manggagawa upang makamit na ang mga ipinananawagang pagbabago katulad ng wage hike, pantay na benepisyo at tuluyang pagtigil ng mga kaso ng extra judicial killings sa labor leaders at members.
“While the concept of a “just wage” under the capitalist mode of production is in itself an oxymoron, the struggle towards a living wage is noble and just. A living wage for all workers is part and parcel of achieving dignity of work. Fight for the Dignity of Work!,” pahayag ng EILER.
Kaisa ng EILER ang Church People Workers Solidarity at Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa mga adbokasiya higit na sa pagkakamit ng Family Living Wage na aabot sa 1,180-pesos o kagyat na pagsasabatas ng mga panukalang itataas ang antas at dignidad ng mga manggagawa.
Nasasaad naman sa Laborem Exercens na ensiklikak ng dating Santo Papa na si Saint John Paull II, mahalagang matanggap ng mga mangggawa ang suweldong katumbas ng kanilang paggawa habang tinitiyak ng kanilang mga employer na nananatili ang kanilang dignidad sa trabaho.