675 total views
Patuloy ang pakikiisa at pag-aalay ng misa para sa mga mahihirap ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) kasama ang ibat-ibang grupo.
Ito ang tiniyak ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos – Vice-chairman ng CBCP-ECMI matapos ang ng World Day of the Poor noong November 13.
Paalala ng Obispo sa bawat mananampalataya sa anumang pagkakataon ay ipagpatuloy ang pagiging bukal ng kalooban sa pagtulong sa mga mahihirap.
“To celebrate this important day, is to be compassionate to them and always be charitable, remember that our Church has preferential care and option for the poor, our church is their home, their refuge and sanctuary, for she is church of the poor.” ayon sa mensaheng ipanadala ng Obispo sa Radio Veritas.
Kinilala naman ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang patuloy na pakikiisa ng simbahan sa mga maralita.
Ayon kay Eufemia Doringo – KADAMAY Secretary General, sa tulong ng mga pastol ng simbahan kasama ng mga laiko ay napapalakas ang panawagan ng mga mahihirap sa lipunan.
Panawagan naman ni Kej Andres – Pangulo ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa pamahalaan na magpatupad ng mga polisiyang tutulong na mapataas ang antas ng pamumuhay ng maralita.
Tinukoy ni Andres ang pagpapatupad ng National Family Living Wage na itatakda sa higit 1,100-piso kada araw kasabay ng pagpapaigting sa local agricultural products at pag-alis sa labis na buwis.
Magugunitang noong Oktubre ay naitala ng Social Weathers Station na umabot sa 12.6-milyong pamilya ang nagsabing sila ay mahirap habang umabot naman sa 2.9-milyong pamilya sa 3rd quarter ng 2022 ang nakaranas ng kagutuman.