163 total views
“We are ambassadors of reconciliations.”
Ito ang buod ng pananalita na ibinigay ng Kanyang Kabunyian Orlando Cardinal Quevedo sa kanyang tema na “The Church is called to be a Communion in the Love and Mercy of God.
Ayon kay Cardinal Quevedo, Arsobispo ng Archdiocese of Cotabato, ang communion o pakikipag-isa sa mga maralita ang pinakamataas na bokasyon ng Simbahang Katolika na kinakailangan mapanatili sa lahat ng mga mananampalataya.
Mensahe pa ng Cardinal, kabilang sa adbokasiya ng Simbahan ang pakikiisa sa mga mahihirap, paglaban sa terorismo, sa karapatang pantao, at pagkasira ng kalikasan at iba pang social issues mayroon ang mundo.
Pahayag pa ni Cardinal Quevedo, sa kabila ng iba-ibang regalo ng Banal na Espiritu ay maramdaman natin ang pangangailangan ng ating kapwa kung saan may kaguluhan at may kagutuman at matuto tayong dumamay.
Dagdag pa ng Cardinal, hindi tayo nararapat na maging iba at walang pakialam kung saan may karahasan, may pagpatay, may kahirapan o maging sa pagkasira ng kalikasan.
Bahagi ito ng pananalita ni Cardinal Quevedo sa ikalawang araw ng WACOM4 na ginaganap ngayon sa University of Sto. Tomas sa Maynila.