Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 985 total views

Mga Kapanalig, napagpasiyahan kamakailan ng ating mga mambabatas na ipagpaliban sa susunod na taon ang halalan ng barangay na dapat sana’y idaraos sa katapusan ng Oktubre.  Isang dahilang ibinigay ng mga mambabatas ay upang maisabay na lang daw ang halalang ito sa pagpili ng mga delegado sa constitutional convention kung sakaling ito ang magiging paraang mapagpapasiyahan para sa pagbabago ng ating Saligang Batas. Sang-ayon sa pagpapaliban ang ating pangulo sapagka’t maari rin daw bumaha ng pera mula sa droga sa nasabing halalan, lalo na’t nagiging mainit ang kampanya ng pamahalaan laban dito.

Gaano nga ba kahalaga ang barangay bilang bahagi ng pamamahala sa ating lipunan? Marahil marami sa atin ay ni hindi man lamang nakabisita pa sa opisina ng ating barangay, o kaya naman ay hindi kilala ang ating kapitan o punong-barangay at mga kagawad. Marahil ay napupunta lamang tayo sa barangay kapag kailangan natin ng barangay clearance at sedula, o kung may gusto tayong ireklamong kapitbahay o taong may nagawang masama sa atin; o kaya naman kung tayo ang ipinatawag dahil may nagreklamo laban sa atin.

Totoo ngang isang mahalagang gampanin ng barangay ang panatilihing maayos at mapayapa ang kinasasakupan nitong mga pamayanan, kung kaya namamagitan ating mga barangay officials sa mga nag-aalitan. Ito rin ang isa sa mga pinakikilos ng kasalukuyang pamahalaan sa kampanya nito laban sa droga dahil higit na kilala ng mga namumuno sa barangay ang mga tao.  Pinapamagitan sa mga kagawad ng barangay ang mga alitan at sigalot sapagka’t kung kayang maayos ang mga ito sa mababang antas ng barangay, hindi na kailangang humantong pa ang mga hindi pagkakaintindihan sa korte kung saan lalong tatagal ang pagresolba ng alitan.

Ang ating Simbahan ay kinakatigan ang ganitong prinsipyo sa kanyang mga katuruang panlipunan. Tinatawag po itong prinsipyo ng subsidiarity. Sa ilalim ng prinsipyong ito, kung may mga gampaning maaring isagawa ng mas mababang institusyon, hindi makatarungang sakupin pa ito ng mga nakatataas na institutsyon.  Batay sa prinsipyo ng subsidiarity, makikita nating napakahalaga ng barangay. Sa kaisipan ng ating Simbahan, sa pamamagitan ng mga institusyong nasa ibaba tulad ng mga barangay, higit na maaring maging kabahagi ang mga tao sa buhay pulitikal at panlipunan ng kanilang bansa.

Kung gayon, mga Kapanalig, ano naman kaya ang ibig sabihin nito para sa ating mga mamamayan? Ayon sa ating Simbahan, ang maliwanag na implikasyon ng prinsipyo ng subsidiarity ay ang ating aktibong partisipasyon o pakikilahok. Sa maikling salita, may pakialam dapat tayo. Bilang indibidwal man o sa pamamagitan ng mga organisasyon natin, tayo ay dapat nag-aambag sa pangkalahatang buhay ng pamayanan at lipunan.  Sinasabi pa ng Simbahan na dapat ay hindi limitado ang pakikilahok na ito sa iilang larangan ng buhay ng pamayanan.  Sa katunayan, napakahalaga, ayon sa ating Simbahan, ang pakikilahok sa buhay panlipunan at pampulitika.

Samakatuwid, napakahalagang ang mga mamamayan ay may tuwirang pakikilahok sa kanilang barangay. Pinakasimpleng paraan na marahil ang dumalo sa mga pinapatawag na asembliya o mga pagpupulong ng barangay.  Halimbawa, inaalam ba natin kung saan ginagastos ang pera ng barangay? Ikalawa, iparating natin sa barangay ang mga suliranin ng ating pamayanan o kaya ay magbigay ng mga mungkahi sa maaring gawing mga solusyon.  Ikatlo, seryosohin at pagbutihin ang pamimili ng mga pinuno ng barangay. Gamitin natin ang panahon ng pagpapaliban ng barangay elections upang higit nating makilatis ang mga ginagawa ng ating barangay at ang mga nagpapalakad nito.

Mga Kapanalig, ang mga mungkahing nabanggit hindi lamang upang tayo ay maging mga mabuting mamamayan. Mga paraan ito ng ating pagtalima sa turo ng ating Simbahan na makilahok sa pamamahala ng ating mga pamayanan upang maitaguyod and pangkalahatang kapakanan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 18,183 total views

 18,183 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 68,746 total views

 68,746 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 16,771 total views

 16,771 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 73,927 total views

 73,927 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 54,122 total views

 54,122 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 18,184 total views

 18,184 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 68,747 total views

 68,747 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 73,928 total views

 73,928 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 54,123 total views

 54,123 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 44,431 total views

 44,431 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 53,112 total views

 53,112 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 67,874 total views

 67,874 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 74,989 total views

 74,989 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 49,119 total views

 49,119 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 48,891 total views

 48,891 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 48,592 total views

 48,592 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 40,926 total views

 40,926 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 80,506 total views

 80,506 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 88,060 total views

 88,060 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 83,943 total views

 83,943 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top