Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PAKIKILAKBAY SA LANDAS NI KRISTO (Pyestang Sta Clara)

SHARE THE TRUTH

 345 total views

Homiliya para sa Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon, 28 Agosto 2022, Luk 14: 1, 7-14

Sta Clara Parish, Malabon city.l

Tema: “Sta Clara, modelo ng pakikilakbay tungo sa kaganapan ng buhay”

Obvious sa akin ang pinagkuhanan ng inspirasyon ng temang ito: si Pope Francis—and Santo Papang nanawagan para sa isang simbahang “mas higit na SINODAL.” Ibig sabihin, simbahang nakikilakbay sa iisang landas, at ang landas na iyon ay walang iba kundi si Kristo mismo. Walang mataas at mababa, walang unahan at wala ding iwanan. Siya na nagsabing “Naparito ako upang bigyan kayo ng buhay, ganap na buhay.” (Jn 10:10)

Pero dahil ipinagdiriwang natin bilang parokya ang pyesta ni Sta Clara, tinatanong natin kung paano natin siya matutularan bilang “modelo ng pakikilakbay tungo sa kaganapan ng buhay”. Hindi natin mapag-uusapan si Sta Clara kung din natin ipapasok sa eksena si St Francis of Assisi—ang pinagkuhanan niya ng inspirasyon sa pakikilakbay kay Kristo, sa pagsunod sa landas niya.

Ano ba ang landas na ito? Ito’y isang simpleng prinsipyo na sinunod ni St Francis, at nakita niya bilang susi ng pagbabago sa simbahan noong kapanahunan niya. Ang narinig kasi niyang mensahe nang tawagin siya ni Hesus ay “Francis, rebuild my Church.” Narinig daw niya iyon sa San Damiano habang nakatitig sa larawan ni Kristo sa krus sa loob ng isang gumuhong simbahan. Akala niya simbahang bato ang pinatatayong muli ni Hesus sa kanya. Iyon pala ang sambayanan ng mga alagad ang tinutukoy niya—na tulungan silang makabalik sa landas ni Kristo, makilakbay sa kanya, dahil ang simbahan noon ay para bang napalayo na, nalihis nang landas. Naging isang institusyon na walang ibang pinagkakaabalahan kundi ang mapanatili ang sariling otoridad at impluwensya sa daigdig at sa lipunan.

Palagay ko ang Gospel reading natin ngayon ang isa sa mga nagbigay liwanag at bagong direksyon sa buhay ni Francisco, at ng kaibigan niyang si Clara. Ang pinakabuod ng mabuting balita ng landas o prinsipyong itinuro ni Hesus sa kanyang mga alagad: dalawang punto: Una, “Ang nagtataas ng sarili ay ibababa.” Pangalawa, “Ang natututong magpakumbaba ay itataas.”

Una, “Ang nagtataas ng sarili ay ibababa.”

Pagtataas ng sarili—ito ang diwa ng karamihan sa mga makamundong ambisyon—ang yumaman, ang sumikat (makilala), ang maging makapangyarihan. In short, ang tatlong K; kayamanan, kapangyarihan at katanyagan. Ito ang madalas na gamitin ni Satanas na pambingwit sa tao simula’t sapul. Di ba ito ang liyang binigkas niya kina Adan at Eba sa Gen 3 nang turuan niya silang sumuway sa Diyos at kumain ng bungang kahoy na ipinagbawal ng Diyos sa kanila dahil ikamamatay daw nila ito?

Sabi ng ahas: “hindi kayo mamamatay; mabubuksan ang mga mata ninyo at magiging katulad kayo ng Diyos, malalaman na rin ninyo ang mabuti at masama.” Sa madaling salita, Kapangyarihan ang alok ng ahas. Pag natamo mo ito, hindi mo na kailangan ang Diyos dahil Diyos ka na. At nahulog nga ang tao sa tukso. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nahuhulog sa tuksong ito na lumihis ng landas ng Diyos at sumunod sa landas ni Satanas: kayamanan, katanyagan, kapangyarihan para sa sarili.

Nagsimula ang kwento nina St Francis at St. Clare sa isang krisis. Akala ng mga tao nasiraan na sila ng ulo. Si St. Francis talaga namang nagka-depression siya. Parang nawalan ng kabuluhan sa kanya ang lahat ng dating tinuturing na makahulugan ng kanyang pamilya, ng lipunan, pati na rin ng simbahan. Di niya alam, ang akala niyang breakdown ay magiging breakthrough pala. Bibigyan siya ng mahalagang papel ng Diyos sa pagkukumpuni sa simbahan.

Nagsimula ang lahat nang talikuran nina San Francisco at Sta Clara ang tatlong K ng daigdig, upang hanapin ang tunay na K, na tatlo din: kabutihan, kagandahan, katotohanan—ang mga pundasyon ng tunay nating karangalan, bilang tinawag na maging mga anak ng Diyos kung matutuhan nating makilakbay kay Kristo sa kaganapan ng buhay. At may isa pang K na idinagdag si St. Francis: kalikasan o kapaligiran.

Dumako na tayo ngayon sa second part ng summary ng ebanghelyo: ang pangalawang prinsipyo, “Ang natututong magpakumbaba ay itataas.”

Kaya pala nang makatagpo ni Hesus si Zaqueo, ang mensahe niya sa kanya ay: “BUMABA KA. “ Ito kasi ang paraan ni Hesus. Alam ni Hesus na ang ginagawang paraan ni Zaqueo upang tumaas siya sa lipunan at mapansin ay ang pag-akyat (na simbolo ng pagtataas ng sarili). Sabi ni San Lukas: sabik daw si Zaqueo na makita si Hesus kaya umakyat siya sa puno ng sikomoro. Tiningala siya ni Hesus at sinabihan: Bumaba ka, makikikain ako sa bahay mo. Noon lang nasimulan ang tunay na pagtaas ng kanyang pagkatao: nang sabihin niyang, “Panginoon, kung may kinuha ako na hindi akin, isosoli ko ito nang makaapat na ulit.”

Walang magtataas sa tao kundi ang Diyos mismo. Tulad ng nasabi ko sa simula, hindi natin dapat itaas ang ating sariling bangko. Pagyayabang iyon. Hindi ba ang Magnificat ay sagot ni Maria kay Elisabet? Di ba’t pinakapuri-puri siya nang husto at pinakataas-taas ni Elisabet nang sabihin niya sa pinsan niya, “Mapalad ka sa babaeng lahat, at mapalad din ang dala mo sa iyong sinapupunan!” (Lk 1:42)

Sa Magnificat ang sagot ni Mama Mary ay, “Hindi ako kundi ang Diyos ang tunay na Dakila. Siya ang nagtaas sa akin, ako na isang abang alipin.” Kaya pala sa inawit niyang Magnificat, sinabi ni Mama Mary, “Ibababa niya ang mga nagmamataas at itataas niya ang mga nasa mababang kalagayan.” Hindi naman para ibaligtad ang sitwasyon nila kundi upang ipantay sila sa isa’t isa. Ito ang landas ni Kristo: sa mata ng Diyos pantay pantay ang dangal natin. Ibig niyang lahat tayo ay maging mga anak niya.

Itinuro ni Hesus ang sikreto ng tunay na pagtaas o pag-angat: hindi K (kayabangan) kundi ibang K (kababaan ng loob). Ito ang ibinigay niyang halimbawa sa kanyang pagkakatawang-tao, sa kanyang pagdurusa at kamatayan. Nag-KENOSIS muna siya. Ibinuhos nang lubos ang sarili upang punuan ang pagkukulang ng tao.

Malay natin na sa panahon natin, ang magpapaalalang muli sa diwa ng pakikilakbay na ginawa nina San Francisco at Sta Clara ay isang Heswita na tumawag na Francisco sa sarili nya nang siya’y mahalal na Santo Papa? Para bang inulit ng Panginoon kay Pope Francis ang mensaheng sinabi niya kay St. Francis sa San Damiano: Rebuild my Church, isaayos mong muli ang aking simbahan. Paano? Sa pakikilakbay sa landas tungo sa talagang magbibigay ng kaganapan ng buhay.

Ito ang prinsipyong isinabuhay nina St. Francis at St. Claire na ginawang isang panalangin at pinasikat bilang kanta: “Gusto mong maging mapalad? Maging bukas-palad ka. Gusto mong tumanggap ng patawad? Magpatawad ka. Gusto mong magkamit ng buhay na walang hanggan? Huwag mong lagyan ng hangganan ang iyong kahandaang magbigay buhay, lubhang ito’y iyong ipagdusa at ikamatay. “ Ito ang ibig sabihin ng makilakbay sa landas patungo sa kaganapan ng buhay.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 39,558 total views

 39,558 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 50,633 total views

 50,633 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 56,966 total views

 56,966 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 61,580 total views

 61,580 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 63,141 total views

 63,141 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,184 total views

 6,184 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 8,314 total views

 8,314 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 8,313 total views

 8,313 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 8,315 total views

 8,315 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 8,311 total views

 8,311 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,182 total views

 9,182 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 11,384 total views

 11,384 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 11,417 total views

 11,417 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 12,771 total views

 12,771 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 13,868 total views

 13,868 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,077 total views

 18,077 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 13,796 total views

 13,796 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,165 total views

 15,165 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 15,426 total views

 15,426 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,119 total views

 24,119 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top